Bianca Lapus mourns death of Isabel Granada: "I know you fought sis."

IMAGE Instagram @biancalapus / @isabelgranada21

Bianca Lapus (left) on death of good friend Isabel Granada (right): "Yung tawa mo, yun ang gusto ko tandaan ngayon kasama ng pambansang eyelashes mo ... Ang importante hindi ka na nahihirapan.no more pain. I know you fought sis. Pahinga ka na. Mahal kita."


Naghayag si Bianca Lapus ng pagdadalamhati sa pagpanaw ng matalik niyang kaibigan na si Isabel Granada.

Sumakabilang-buhay si Isabel nitong Sabado ng gabi, November 4, sa Doha, Qatar. Siya ay 41 years old.

Sa kanyang Facebook post ngayong Linggo ng madaling-araw, November 5, nagbalik-tanaw si Bianca sa mga pinagsamahan nilang trabaho sa teatro at sa pelikula.

"Heaven just gained another Angel.... Rest in peace sis Isabel Granada i am thankful for the 2 decades of friendship we had.

"Ok lang kahit di na tuloy ang date natin at inuman ng guyabano juice at pagtatawanan natin na after i gave birth hindi na kasya sakin ang costume natin sa play na noli me tangere kung saan nag alternate tyo as maria clara at tinanggap ko yung role ko na mermaid sa Halik ng Sirena dahil sa iisang rason na ikaw ang bida dun kahit hirap na hirap ako sa buntot ko at muntik malunod tapos tawa ka ng tawa."

Ayon kay Bianca, mas gusto niyang balikan ang mga magandang alaala tungkol sa namayapang kaibigan. 

"Yung tawa mo, yun ang gusto ko tandaan ngayon kasama ng pambansang eyelashes mo ...

"Ang importante hindi ka na nahihirapan.no more pain.

"I know you fought sis. Pahinga ka na. Mahal kita. #ripisa #ripisabelgranda"

Ang mister ni Isabel na si Arnel Cowley ang mismong nagkumpirma na pumanaw na ang 41-year-old actress, na halos dalawang linggong na-comatose at na-confine sa Hamad General Hospital sa Doha, Qatar.

Stories We Are Tracking

Isabel Granada dies at 41
Isabel Granada dies at 41
10 things you should remember about Isabel Granada
10 things you should remember about Isabel Granada


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN