Chuckie Dreyfus bids goodbye to former loveteam partner Isabel Granada

IMAGE File / Chuckie Dreyfus's Facebook

Chuckie Dreyfus on passing of '80s loveteam partner Isabel Granada: "Sa bawat tawa, bungisngis, kurot at hampas sa akin na hindi ko makakalimutan. Kasama mo nawala ang napakalaking parte ng buhay ko na kailanman hindi ko na maibabalik... Paalam, Isa."


Hindi pa rin makapaniwala si Chuckie Dreyfus, 43, na pumanaw na ang dating ka-love team na si Isabel Granada, 41.

Isa si Chuckie sa mga kaibigan ni Isabel na nanawagan upang ipagdasal ang sana'y mabilis na paggaling ng aktres mula nang ma-comatose ito sa Doha, Qatar, noong Oktubre 24.

Sa kanyang Facebook post ngayong araw, November 5, naghayag ng pagdadalamhati si Chuckie sa pagpanaw ni Isabel.

"Maraming salamat sa lahat ng pagkakataon na nagkasama tayo. Sa lahat ng panahon na pinasaya mo ako at ang pamilya ko. Sa pagmamahal na lagi mong pinaramdam sa akin ng buong puso.

"Sa bawat tawa, bungisngis, kurot at hampas sa akin na hindi ko makakalimutan.

"Kasama mo nawala ang napakalaking parte ng buhay ko na kailanman hindi ko na maibabalik.

"Ayoko pa rin maniwala.

"Sana sa panaginip man lang makita at makausap kita kahit papaano. Kahit man lang doon.

"Paalam, Isa.

"Mahal na mahal na mahal kita.

Halos magkasabay sina Chuckie at Isabel na lumaki sa showbiz.

Una silang nagkatrabaho sa That's Entertainment, ang defunct Kapuso youth-oriented show na umere mula 1986 hanggang 1996.

Kinalaunan ay naging magkatambal sila sa magkakasunod na pelikula mula 1989 hanggang 1990: Magic To Love, Isang Araw Walang Diyos, Huwag Kang Hahalik sa Diyablo, Papa's Girl, Lessons In Love.

Noong 2011, nagkaroon ulit sila ng pagkakataong magkatrabaho sa reality show ng GMA Network, ang Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown.


Stories We Are Tracking

10 things you should remember about Isabel Granada
10 things you should remember about Isabel Granada

CELEBS MOURN DEATH OF ISABEL. Samantala, nagpaabot din ng mensahe ng pakikiramay ang mga kasamahan ni Isabel sa industriya, tulad nina Sunshine Cruz, Assunta de Rossi, Rosanna Roces (Jennifer Cruz Adriano), Bianca Lapus, Polo Ravales, DJ Durano, Inday Garutay, at John Lapus.






Stories We Are Tracking

Bianca Lapus mourns death of Isabel Granada
Bianca Lapus mourns death of Isabel Granada
Isabel Granada dies at 41
Isabel Granada dies at 41


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN