Kathryn Bernardo reveals age she wants to get married

IMAGE Instagram (@kathnielpeeps) / Melo Balingit

Kathryn Bernardo reveals in an Instagram live session that she wants to get married by 25. The Kapamilya actress is known to have a reel-and-real life relationship with love team partner Daniel Padilla.


Ipinahayag ni Kathryn Bernardo, 20, ang edad kung kailan niya nakikita ang sarili na nagpapakasal.

Ibinahagi niya ito sa kanyang followers sa isang Instagram live session kasama ang kanyang stylist na si John Valle kahapon, November 4.

Isa sa mga followers ng Kapamilya actress ang nagtanong kung anong age niya gustong magpakasal.

Sumingit si John at sinabing, "Ako na sasagot, siguro mga 32."

Agad namang kinontra ito ng La Luna Sangre actress.

Saad niya, "No! It's too late, mga 25."

Nagulat si John sa sinagot ni Kathryn at sinabihan ito na, "25 ka diyan! Hello, ang bata-bata mo pa!"

Natawa at napaisip sandali si Kathryn at saka in-adjust ang sinabing edad. "26 maybe."

Muli ay kinontra siya ni John at sinabing pwede na siyang magpakasal pag 29 years old na siya.

Natatawang sabi ulit ni Kathryn, "No, ang tanda!"

Sa isang bahagi naman ng Instagram live ay may nagtanong kay John kung may boyfriend na daw ba si Kathryn.

Pabirong sagot ng stylist, "Wala siyang boyfriend, asawa meron!"

Natawa naman nang malakas si Kathryn pagkatapos marinig ang sagot ni John.

Pagpapatuloy ni John, "Meron silang apat na anak. Dalawang babae, dalawang lalaki. Ang pangalan ng lalaki, Daniel. Junior daw kasi. Tapos yung isa, pinagsamang Kath at saka Daniel."

Dagdag naman ni Kathryn, "Kaya nga may KathNiel!"

Marami namang fans ni Kathryn at ng kanyang ka-love team na si Daniel Padilla ang naka-pick up sa Instagram live video at in-upload ang clip sa kanilang mga accounts.

Noong Marso, sa press conference ng pelikula nilang Can't Help Falling In Love ay sinabi ni Daniel na "exclusive" na sila ni Kathryn para sa isa't isa.

Pagkatapos ng press conference ay natanong ng TV Patrol reporter na si Gretchen Fullido si Daniel tungkol sa estado ng relasyon nila ni Kathryn.

Tanong ni Gretchen: "Kayo na?"

Sagot naman ni Daniel: "Yes."

Sa isa namang panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa dalawa noong Abril, parehong sinabi ng KathNiel love team na 28 ang ideal marrying age nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon din kay Daniel, dalawang wedding ang gusto nila, baka raw dalawang wedding ang gawin nila dahil hindi sila magkasundo sa gusto nilang wedding ceremony.


Stories We Are Tracking

Did Daniel finally confirm relationship with Kathryn?
Did Daniel finally confirm relationship with Kathryn?
Kathryn Bernardo and Daniel Padilla will have 'two weddings'
Kathryn Bernardo and Daniel Padilla will have 'two weddings'
Daniel, Kathryn reveal how they fell in love with each other
Daniel, Kathryn reveal how they fell in love with each other
Kathryn now comfortable being touchy with Daniel
Kathryn now comfortable being touchy with Daniel


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN