Angelica Panganiban has finally moved on: "Pwede palang tumalikod. Pwede palang mang iwan."

IMAGE Instagram (@iamangelicap)

Actress Angelica Panganiban posts about having finally moved on. "Mas masarap pala ang maging malaya. Mas masarap pala na unahin ang sarili."


Pagpapalaya at pagmamahal sa sarili ang birthday gift ni Angelica Panganiban sa sarili.

Tila lubusan nang naka-move on si Angelica Panganiban kung pagbabatayan ang kanyang Instagram post ngayong tanghali ng Linggo, November 5, 2017.

Walang tuwirang pagtukoy ang aktres kung tungkol saan ito, subalit sa comments section, marami ang tumukoy na may kinalaman ito sa kanyang buhay pag-ibig.

Ipinagdiwang din ng Kapamilya actress ang kanyang ika-31 kaarawan kahapon, November 4, Sabado.

FINALLY FREE. Sa isang mahabang post sa social media, inilahad ni Angelica kung paano natapos ang sakit na pinagdaanan niya.

At ito ay nang mahalin ang kanyang sarili.

Sabi pa niya, mas masarap daw maging malaya.

“Natapos ang lahat mag mula nang tinalikuran ko ang sakit. Mag mula nung hinarap ko ang sarili ko. Kinilala at minahal.

“Ang pinaka magandang regalo pala talaga ng buhay ay ang mahalin ang sarili. At mahalin ang mga taong nagbibigay ng halaga sa ano ka, at paano ka at sino ka.

“Mas masarap pala ang maging malaya. Mas masarap pala na unahin ang sarili.

“Pwede palang maging madamot. Pwede palang hindi na abusuhin.

“Pwede palang tumalikod. Pwede palang mang iwan.

“Pwede palang tumawa ng wagas. Maging masaya dahil masaya ka lang. Pwede mo palang mahalin naman ang sarili mo.

“Madami palang pwede.

“Pero ang importante, pwedeng maging maligaya at hindi na kailangan umasa sa iba.

“Maraming salamat sa lahat ng nag tyaga sakin salamat sa lahat ng nagparamdam ng pagmamahal sa makubuluhang araw ng buhay ko.

“Pangakong itutuloy ko ito. Ang mahalin ang sarili ko.”

Si John Lloyd Cruz ang huling nakarelasyon ni Angelica.

Naghiwalay sila noong January 2015 pagkatapos ng apat na taong pagsasama.

Natapos ang lahat mag mula nang tinalikuran ko ang sakit. Mag mula nung hinarap ko ang sarili ko. Kinilala at minahal. Ang pinaka magandang regalo pala talaga ng buhay ay ang mahalin ang sarili. At mahalin ang mga taong nagbibigay ng halaga sa ano ka, at paano ka at sino ka. Mas masarap pala ang maging malaya. Mas masarap pala na unahin ang sarili. Pwede palang maging madamot. Pwede palang hindi na abusuhin. Pwede palang tumalikod. Pwede palang mang iwan. Pwede palang tumawa ng wagas. Maging masaya dahil masaya ka lang. Pwede mo palang mahalin naman ang sarili mo. Madami palang pwede. Pero ang importante, pwedeng maging maligaya at hindi na kailangan umasa sa iba. Maraming salamat sa lahat ng nag tyaga sakin ?? salamat sa lahat ng nagparamdam ng pagmamahal sa makubuluhang araw ng buhay ko. Pangakong itutuloy ko ito. Ang mahalin ang sarili ko ??

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap) on

Noong nakaraang linggo ay nagsalita si Angelica tungkol sa pagmu-move on mula sa isang breakup sa panayam ni Bianca Gonzalez para sa kanyang vlog.


Stories We Are Tracking

Angelica speaks up about getting over an ex-boyfriend
Angelica speaks up about getting over an ex-boyfriend


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN