Isabel Granada's remains to arrive in Philippines on Thursday

IMAGE Courtesy of Joseph Rivera / Instagram account of Isabel Granada

Isabel Granada's remains to be brought home in the Philippines by cousin Joseph Rivera and husband Arnel Cowley on Wednesday night, November 8. They are expected to arrive on Thursday morning, November 9.


Sa Miyerkules, November 8, nakatakdang iuwi sa Pilipinas ang mga labi ng yumaong aktres na si Isabel Granada, mula sa Doha, Qatar.

Ito ay ayon sa pinsan ni Isabel na si Joseph Rivera, na kasalukuyan ding nasa Qatar.

Saad niya sa mensaheng ipinadala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong tanghali, November 5, inaayos pa raw niya at ng asawa ni Isabel na si Arnel Cowley ang mga papeles ni Isabel.

Gabi ng Miyerkules daw sila lilipad pauwi ng Pilipinas at darating dito sa umaga ng Huwebes, November 9.

Samantala, nakatakda namang umuwi ng Pilipinas ngayong araw ang dating asawa ni Isabel na si Jericho Aguas kasama ang anak nilang si Hubert at ina ni Isabel na si Isabel "Mama Guapa" Villarama.

Nag-post ng ilang video si Joseph sa kanyang Facebook account kung saan makikitang paalis na ng hotel sina Jericho papunta ng airport.

Sabi niya sa kanyang post, "Departure from the Hotel by Mama Guapa, Hubert and Jericho headed towards the airport.

"Mama Guapa is extending her full thanks and gratitude to the Filipino Community here in Doha for all their love and support to Isabel Granada."

Wala pang nabanggit na detalye kung saan ilalagak ang mga labi ni Isabel.

Pumanaw si Isabel kagabi, November 4, habang naka-confine sa Hamad General Hospital sa Doha, Qatar, bandang 6 P.M. (Qatar time).

Ito ay matapos ang halos dalawang linggo na pagka-comatose dahil sa aneurysm.

Siya ay 41 years old.

MORE CELEBRITIES MOURN ISBAEL'S DEATH. Samantala, ilang celebrities pa ang nagpaabot ng mensahe ng pakikiramay at nagbahagi ng kanilang pagkalungkot sa pagkamatay ni Isabel.

Isa na rito ang Kapuso actress na si Kris Bernal, na tinawag si Isabel bilang "My very first sister in the industry."

Saad niya sa kanyang mensahe, "Posting this with a lot of grief. My very first sister in the industry who was always by my side, who was there to support me, no matter what network she was in. My Ate Isabel, I will never forget your cheerful personality and big heart. I will miss you for all that you taught me and for all those beautiful moments that we made. We know that God has you in His glory, rest in peace my sister. I love you so much."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang aktor naman na si Robert Ortega ay nag-post ng mga throwback pictures nila ni Isabel noong mga araw nila sa That's Entertainment.

Sabi niya sa kanyang caption, "Let me just start by stating the obvious, I Miss You. We have been friends for 3 decades, and dealing with your untimely demise is obviously not something im prepared for at all. They say that everyone enters your life for a reason? that is true. You have contributed to who I am in some way, shape or form, and for that I am grateful. To my beautiful friend, kumare, loveteam who was taken too soon, I love you and miss you!"

Ang iba pang artistang nagpahayag ng kanilang pagkalungkot sa Instagram ay sina Giselle Sanchez, Neil Ryan Sese, Michael Flores, at Carlo Gonzalez.

Rest in peace Isa, We know you are in a better place. At rest in the arms of Jesus!

A post shared by neilsese (@neilsese) on

I am still dumbfounded right now.. We will truly miss you, isabel. #gonetoosoon #ripisabel ????????????????????????

A post shared by PHILIPPIANS 4:13 (@michaeljohnflores) on

Sa Twitter naman ay nagpahatid rin ng pakikiramay sina Camille Prats, Marvin Agustin, Jim Paredes, Juan Miguel Severo, Pia Magalona, Jaya, Maxene Magalona, Lovi Poe, at Lea Salonga.


Stories We Are Tracking

Isabel Granada dies at 41
Isabel Granada dies at 41
Bianca Lapus mourns death of Isabel Granada
Bianca Lapus mourns death of Isabel Granada
Chuckie Dreyfus bids goodbye to Isabel Granada
Chuckie Dreyfus bids goodbye to Isabel Granada
10 things you should remember about Isabel Granada
10 things you should remember about Isabel Granada


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN