Mark Herras ecstatic over girlfriend Winwyn Marquez's Reina Hispanoamericana 2017 win

IMAGE Gorgy Rula / Screen grab from Vivo TV

Mark Herras on girlfriend Winwyn Marquez's taking home the Reina Hispanoamericana crown: "Lagi niyang sinasabi sa akin na, 'Sana manalo ako. Sana bulungan ni Lord yung mga judges. Sana hawakan ni Mama Mary yung kamay ko mamaya.'"


Very proud at tuwang-tuwa si Mark Herras sa pagkapanalo ng girlfriend niyang si Teresita Ssen “Winwyn” Marquez bilang Reina Hispanoamericana 2017.

Si Winwyn ang kauna-unahang Pinay na naging kandidata sa international beauty pageant na eksklusibo lamang noon para sa Spanish-speaking countries.


Stories We Are Tracking

Winwyn Marquez is Reina Hispanoamericana 2017
Winwyn Marquez is Reina Hispanoamericana 2017

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Mark sa telepono ngayong Linggo ng umaga, November 5, sinabi niyang madalas silang nag-uusap ni Winwyn dahil sa time difference ng Bolivia at dito sa Pilipinas.

Mas maaga ng 12 hours ang Pilipinas sa Bolivia.

Sabado ng gabi, November 4, ginanap ang grand coronation ng Reina Hispanoamericana sa Bolivia; at Linggo naman ng umaga rito sa Pilipinas.

Ayon kay Mark, pagkagising niya ay patulog naman si Winwyn kaya may panahon silang mag-usap.

Nagkausap daw sila bago nagsimula ang grand coronation.

Kuwento ng Kapuso actor, “Lagi niyang sinasabi sa akin na, ‘Sana manalo ako. Sana bulungan ni Lord yung mga judges. Sana hawakan ni Mama Mary yung kamay ko mamaya.’

“Sabi ko sa kanya, ‘Ga, dasal ka lang and be positive. Kasi dapat makita ng mga tao, ng mga judges sa aura mo na parang gaya nung sinalihan mo before. Kasi, kung parang stressed ka na, masyado kang kabado, siyempre maaapektuhan ka nun.’

“Ang sabi ko lang sa kanya, 'Kahit anong mangyari, panalo ka na, e. Kung ibibigay ni God na manalo ka dito sa Bolivia, siyempre sobrang okay yun.'

“Lagi lang siyang kinakabahan talaga, e.”

WHAT LANGUAGE BARRIER? Nakakarating din daw kay Winwyn ang komento ng ilang netizens na language barrier ang dahilan kaya hindi nito makukuha ang korona ng Reina Hispanoamericana.

Saad ni Mark, “Sabi niya sa akin, sana raw yung ibang tao, tumigil na sa pagku-comment na hindi kasi siya makapagsalita ng Spanish.

“Sabi ko na lang sa kanya, huwag na niyang sayangin ang oras niya dun.

“Kasi ang ibang tao, may masabi lang, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit hindi nga naging hadlang ang language barrier dahil si Winwyn ang nakapag-uwi ng korona bilang Reina Hispanoamericana 2017.

Sa question-and-answer portion nga ay ito ang naging katanungan kay Winwyn: "How would you promote Hispanic-American culture with the great difficulty or barrier of language?"

Sagot dito ni Winwyn, sa tulong ng interpreter: "Language can be learned. But the will and determination to contribute something to the organization cannot.

"It has to come from the heart and it has to be natural.

"I believe that kindness is the universal language. If you treat people with tolerance, patience and love, you will understand each other.

"The Hispanic culture is not about language only. It is about love for God, love for country, love for history and culture, and love for family.

"And as a Filipina with a unique heritage, I have instilled that. I am ready to promote the Hispanic culture not just in Asia but in the whole world.

"It is time to celebrate the Hispanic culture. It is meant to be celebrated. Gracias."

EXTENDED VACATION. Sa kanyang Instagram account ay hindi rin mapagsidlan ang katuwaan ni Mark sa pagbati kay Winwyn.

Caption ng aktor sa larawan ng pagbati ng Miss World Philippines kay Winwyn: "OMG!!! Salamat lord!!! Ga!! Wala ako masabi! Congrats pangggaa!!! Ikaw na talaga :) I love you!! Wow ga wow!! We are so proud of you!!!"

Ayon pa rin kay Mark, napag-usapan nila ni Winwyn na kung sakaling manalo, baka ma-extend pa ng ilang araw ang pamamalagi nito sa Bolivia.

“Sabi ko nga, ‘Bakit ka ma-extend?’

“Kasi siyempre, malamang may ilang days pa na celebration at baka umikot siya ng Bolivia.

“Tapos, pag-uwi, meron pa siyang five days na vacation sa New York.

“So, mag-i-extend siya talaga.”

Nagkausap na rin daw sila ng ina ni Winwyn na si Alma Moreno, na tuwang-tuwa rin sa panalo ng anak at pinapunta nga raw siya sa bahay nito para mag-celebrate.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN