Alma Moreno on cloud nine over daughter Winwyn Marquez's Reina Hispanoamericana win

IMAGE Winwyn marquez instagram / Noel Orsal

Alma Moreno on daughter Winwyn Marquez bagging the Reina Hispanoamericana title: "Ipinagdasal ko talaga na mauwi ni Wyn ang korona dahil malaking karangalan iyon para sa bansa natin. Biruin mo, first time na sumali ng Pilipinas sa pageant na yun, tapos first Asian candidate pa siya. So, maraming first talaga at tatatak sa kanya iyon. Kumbaga, nasa history na siya ng pageant."


In high spirits ang ina ni Miss Reina Hispanoamericana 2017 Teresita Ssen "Winwyn" Marquez na si Alma Moreno nang makapanayam siya ng morning show ng GMA-7 na Unang Hirit ngayong Lunes, November 6.

Ikinuwento nito ang kanyang kaba at tuwa nang manalo si Winwyn sa beauty pageant na ginanap sa bansang Bolivia noong Sabado ng gabi, November 4 (Bolivia time).

Ayon kay Alma, “Noong makapasok pa lang si Wyn sa Top 10, kinakabahan na ako.

“Lalo na noong makapasok siya sa Top 5, lalo akong kinabahan.

“Pero noong dalawa na lang sila sa stage, doon na ako umiiyak, kasi malakas ang pakiramdam ko na mananalo si Wyn.

“Kaya noong i-announce na Filipinas, masayang-masaya ako.

“Ibinalita ko agad sa mga kasama ko sa bahay na panalo si Wyn,” lahad ni Alma.

Hindi ako makapaniwala..?????? totoo toh diba? Maraming maraming salamat. ?? @pgloriaoficial

A post shared by Teresita Ssen Winwyn Marquez (@wynmarquez) on

STAYING BEHIND. Dapat pala ay kasama ni Winwyn si Alma na lumipad patungong Bolivia, pero hindi raw siya pinayagan ng kanyang doktor.

“Kasama talaga ako dapat, pero yung doktor ko na ang nagsabi na hindi puwede.

“Kasi masyado raw akong mapapagod sa biyahe.

“Two days kasi bumiyahe si Wyn papunta doon. Baka raw ma-high blood ako.

“Tapos, yung elevation daw doon, masyadong mataas at baka hindi ko kayanin.

“Kaya ang sumama na lang kay Wyn ay ang Kuya Yeoj niya at isang tita niya.”

Patuloy ni Alma, “Nagba-Viber naman sa akin si Yeoj ng mga nangyayari sa kanila doon at ina-update niya ako sa mga nagaganap sa pageant.

“Noong manalo nga si Wyn, nag-Viber siya, at the same time, nanonood din ako.”

Si Alma raw ang nag-impake ng mga dadalhin ni Winwyn sa biyahe dahil alam niya ang mga kakailanganin nito.

Saad niya, “Sa mga training at rehearsals ni Wyn, parati niya akong kasama.

“Kapag may kailangan ‘yan, iba-Viber lang niya na kung puwede kong bilhin ito, kasi kailangan niya sa training.

“Kaya bilang ina, alam ko ang mga pinagdaanan na hirap ng anak ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Late na ‘yan nakakauwi tapos maaga pang magigising. Yung disiplinado talaga siya.

“Kaya noong manalo siya, deserve ng anak ko iyon, kasi nakita ko yung mga pinagdaanan niya.” 


Stories We Are Tracking

Winwyn Marquez is Reina Hispanoamericana 2017
Winwyn Marquez is Reina Hispanoamericana 2017
Mark Herras ecstatic over girlfriend Winwyn Marquez's win
Mark Herras ecstatic over girlfriend Winwyn Marquez's win
Pia, Megan congratulate new beauty queens Winwyn, Karen
Pia, Megan congratulate new beauty queens Winwyn, Karen
Winwyn Marquez shares post-victory itinerary
Winwyn Marquez shares post-victory itinerary

SUPPORTIVE MOM. Hindi raw tulad ng ama ni Winwyn na si Joey Marquez na pinagbawalan noong una na sumali sa beauty pageant ang anak, si Alma ay sinuportahan ang matagal nang pangarap nito.

Lahad niya, “Bata pa lang ‘yang si Wyn, ang maging beauty queen na ang pangarap niya. Gusto niyang magkaroon ng korona.

“Tsaka kapag nagbibihis ‘yan at maglakad noon, parang sumasali siya ng beauty pageant.

“Dala na rin siguro na yung isang tita niya, si Melanie, ay dating beauty queen. Kaya gusto niyang maging katulad ng tita niya.

“Kaya noong bata ‘yan, pinag-aral ko talaga siya ng ballet at gymnastics.

“Ibinigay ko ang hilig niya kasi pangarap niya iyon, e. Ayokong maging hadlang doon.”

Ang tita ni Winwyn na si Melanie Marquez, nakababatang kapatid ng ama niyang si Joey, ay nanalong Miss International noong 1979.

Unang sumali si Winwyn sa Binibining Pilipinas noong 2015, pero nabigo itong manalo ng titulo.

Alam daw ni Alma ang lungkot na naramdaman ng anak noong mga panahong iyon.

“The first time siyang sumali, tapos wala siyang nauwing title, nakita ko kung gaano na-frustrate si Wyn.

“Sinabi ko sa kanya, ‘Baka hindi para sa iyo ‘yan, anak. Baka may ibang nakalaan para sa ‘yo si Lord.’

“Kaya noong manalo siya sa Miss World Philippines ng Miss Reina Hispanoamericana Filipinas, natuwa ako.

“Sinabi ko sa kanya na, ‘Anak, ito na ang para sa iyo! Para talaga sa iyo ‘yan!’

“Kaya ipinagdasal ko talaga na mauwi ni Wyn ang korona dahil malaking karangalan iyon para sa bansa natin.

“Biruin mo, first time na sumali ng Pilipinas sa pageant na yun, tapos first Asian candidate pa siya.

“So, maraming first talaga at tatatak sa kanya iyon. Kumbaga, nasa history na siya ng pageant.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkausap na raw sila ni Winwyn pagkatapos nitong makoronohan at humarap sa press conference bilang bagong Miss Reina Hispanoamericana.

Lahad ni Alma, “Tumawag si Wyn after two hours pa, kasi marami raw nag-interview sa kanya.

“Ramdam ko ang saya ng anak ko talaga.

“Bilang ina, I am so proud of her, at ang buong bansa, ipinagmamalaki siya.

“Tinanong ko kung kailan siya uuwi. Kasi nga, dahil siya ang nanalo, baka maiba ang schedules niya.

“Aalamin daw ni Wyn ang lahat ng detalye kung kailan siya makakauwi sa atin.”

Nagpasalamat naman si Alma sa lahat ng sumuporta at tumulong kay Winwyn na matupad ang matagal na nitong pangarap na maging international beauty title holder.

“Marami akong pasasalamatan, pero kilala na nila kung sino sila.

“Kayo na hindi nag-give up sa pagsuporta sa anak ko na marating niya ang estado na ito, hindi namin kayo makakalimutan,” sambit ni Alma.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN