Barbie Forteza confirms encounter with ex-BF Kiko Estrada: "Hindi kami nag-isnaban."

IMAGE Noel Orsal / Mark Atienza

Barbie Forteza recalls encounter with ex-boyfriend Kiko Estrada on the set of a GMA-7 show. She said, "Okay kami, hindi kami nag-isnaban, hindi kami nagsupladuhan. Nag-hi-hello kami pero not to the point na chika-chika. Hindi rin kami nagkamustahan. Basta okay lang kami, civil lang."


Kinumpirma ni Barbie Forteza na civil na sila ngayon ng ex-boyfriend niyang si Kiko Estrada.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ibinahagi ni Barbie ang pagkikita nila ni Kiko sa set ng GMA-7 game-comedy show na Celebrity Bluff ilang linggo na ang nakararaan.

Kuwento ng 20-year-old Kapuso actress, "Magkasama kami sa Celebrity Bluff! Bluffer ako, player siya.

"Doon kami nagkausap kasi magkaiba rin naman kami ng standby area.

"Pero okay naman kami. Wala namang violent reaction.

"Kahit naman yung mga tao, parang nalimutan na rin nila. So, okay naman!"

Ayon pa sa This Time I'll Be Sweeter lead star, naging maayos ang pag-uusap nila ni Kiko, 22, pero hindi na raw ito umabot sa kumustahan.

Pagpapatuloy niya, "Oo, hindi naman siya umabot sa nag-catch up pa kami sa text or whatever.

"Basta okay kami, hindi kami nag-isnaban, hindi kami nagsupladuhan.

"Nag-hi-hello kami, pero not to the point na chika-chika. Hindi rin kami nagkamustahan.

"Basta okay lang kami, civil lang."

Nakausap ng PEP.ph si Barbie pagkatapos ng bloggers' conference ng This Time I'll Be Sweeter sa 38 Valencia Events Place, Quezon City, noong Biyernes, November 3.

Unang nakuwento ni Kiko ang naging pagkikita nila ni Barbie sa PEP.ph, noong October 26, sa Magpakailanman set visit, sa Sampaloc, Manila.

Ayon kay Kiko, siya ang naunang lumapit kay Barbie.

Sabi niya, "I believe, in this situation, dapat gentleman yung mga lalaki."


Stories We Are Tracking

Kiko Estrada now on good terms with ex-GF Barbie Forteza
Kiko Estrada now on good terms with ex-GF Barbie Forteza
Kiko Estrada happy about Barbie Forteza's new love life
Kiko Estrada happy about Barbie Forteza's new love life
Barbie Forteza thinks Kiko Estrada's admission is too late
Barbie Forteza thinks Kiko Estrada's admission is too late
Kiko Estrada done talking about ex-girlfriend Barbie Forteza
Kiko Estrada done talking about ex-girlfriend Barbie Forteza


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN