Miss Colombia acknowledges Miss Earth 2017 Karen Ibasco as "true queen"

IMAGE Sash Factor (Harry Marzan) / Instagram

While many Colombians dispute the results of the recently concluded Miss Earth 2017, where Karen Ibasco (right photo) of the Philippines was proclaimed winner, Miss Colombia Juliana Franco (left) acknowledges Karen as the true queen. 


Sa kabila ng pagkontra ng ilan sa pagkapanalo ni Miss Philippines Karen Ibasco sa Miss Earth 2017, kinilala ng Miss Colombia Juliana Franco ang Pinay beauty queen sa pamamagitan ng Instagram post ngayong Lunes, November 6.

Sa grand coronation ng Miss Earth 2017, sa MOA Arena noong Sabado ng gabi, November 4, sina Karen at Juliana ang natira sa entablado bago ideklara ang winner ng pageant.

Sa huli, ang kinatawan ng Pilipinas ang kinoronahang Miss Earth 2017, habang ang kandidata ng Colombia ang itinanghal na Miss Earth Water o 1st runner-up.

Si Karen ang ika-apat na Pinay na kinoronahang Miss Earth.

Nauna sa kanya sina Karla Henry noong 2008, Jamie Herrell noong 2014, at Angelia Ong noong 2015.


Stories We Are Tracking

Karen Ibasco is Miss Earth 2017
Karen Ibasco is Miss Earth 2017
Pia, Megan congratulate new beauty queens Winwyn, Karen
Pia, Megan congratulate new beauty queens Winwyn, Karen

MISS COLOMBIA SPEAKS UP. Kung babasahin ang mga komento ng netizens sa social media, maraming Colombians ang nagalit sa pagkakahirang kay Karen bilang Miss Earth 2017.

Ayon sa ilang nagkomento, may kinikilingan at binayaran umano ang pagkapanalo ng 26-year-old Pinay university instructor.

Isang Instagram account (@reinashermosas), na may higit 60,000 followers, ang nag-post pa ng larawan ni Karen na sinusunog.

Ngunit tila nakahanap naman ng kakampi si Karen sa katauhan ng kandidata mula sa Colombia.

Sa kanyang Instagram post, binati ni Juliana si Karen sa pagkapanalo nito.

“Congrats to my beautiful Queen @karenibasco You Are a Truly Queen, thank you for everything and I really love you.”

Nagpasalamat din si Juliana sa mga kapwa niya Colombians, at maging sa mga Pinoy, sa pagmamahal na ibinigay ng mga ito sa kanya.

Sabi pa niya sa kanyang post, minsan ay hindi ibinibigay ng Panginoon kung ano ang gusto natin, kundi kung ano ang sa tingin ng Diyos ay nararapat para sa atin.

Hindi man niya nasungkit ang korona, tinawag pa rin ni Juliana na “PERFECT” kung ano ang kanyang natamo sa pageant.

God today I have only words of thanks for you. In my short life you have taught me through all the experiences that you have given me so many times that we do not have what we exactly want, but rather what you know is the best for our life. I have applied this mentality in each day that I get up and I always accept with love your wise decisions about my passage through this world. I discovered a passion as beautiful as the care of the environment, education for society and action in favor of positive changes. So my happiness about this philosophy is reflected in this moment: it was PERFECT. I will never tire of thanking my family, my boyfriend, my friends, the people who trusted me and put a seed in my preparation, the people who even without knowing me sent me their support and words of encouragement and advice, the beautiful organization of Miss Earth Colombia and now the international organization Miss Earth, the beautiful candidates who are now my friends forever, and of course all the Colombians and Filipinos who gave me the greatest gift left in my heart: LOVE. ????Congrats to my beautiful Queen @karenibasco You Are A Truly Queen, thank you for everything and I really love you ???? and also to the beautiful @_ninarobertson and the lovely @_akimova.lada_ the Best Court???? I am Miss Earth Water 2017 ???????? What more pride than to represent the most abundant and important element of our planet and body. Prosperity for all ???????????? @missearth @missearthcolombia #missearth #philippines #colombia #beautiesforacause #WOMANOFTHEEARTH #agentsofchange

A post shared by J U L I A N A F R A N C O (@julifrancor) on

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN