Kathryn Bernardo makes a stand against cyberbullying

IMAGE Rose Garcia

Kathryn Bernardo recalls being victimized by cyberbullying and shutting herself inside her bedroom for days as a result. Now, she wants to make noise to put a stop to it. "Kasi kapag nabu-bully ka, hindi lang nasisira ang araw mo… nagli-lead into depression, especially sa mga teenagers," she warns.

 


Isa sa mga advocacy ng love team nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang labanan ang cyberbullying.

Lalo’t si Kathryn mismo ay madalas mabiktima ng cyberbullying.
 
Saad ng Kapamilya actress, “Sobrang dami, pero siguro ang pinakamalala, noong election.

“Dumating ako sa point na nagkulong ako sa kuwarto, hindi ako kumakausap ng kahit sino.

“As in, sobrang na-depress ako… sobra-sobra ang na-receive naming pamba-bash sa lahat ng tao nung time na yun."

Ang tinutukoy ni Kathryn ay noong 2016 elections, kung saan ikinampanya nila ni Daniel ang kandidatura ni Mar Roxas ng Liberal Party bilang pangulo.
 
Patuloy ng 21-year-old actress, “And until today, every day, kapag nag-social media ka… that’s why I turned off my comment section. 

“And also sa Twitter, parang bihira na akong mag-Twitter, kasi ang bilis kumapit lang, especially before.
 
“Ang daming puwedeng sabihin sa amin, especially nga public figure kaming pareho. 

"Siguro naging magandang move talaga namin at advocacy namin ay ito pong fight cyberbullying.”
 
STOP CYBERBULLYING. Isa rin sa mga adbokasiya nina Kathryn at Daniel ang pagdo-donate ng dugo bilang ambassadors ng Red Cross.

Sa event na La Luna Sangre Give Blood & Fight Cyberbullying sa Philippine Red Cross Boni, Edsa kahapon, November 5, napagsama ng KathNiel ang dalawa nilang advocacy.

Ang La Luna Sangre ang fantaserye ng ABS-CBN na pinagbibidahan nilang dalawa.
 
Umaga pa lang ay nandoon na ang kanilang fans para mag-donate ng dugo.

Bukod dito, nagsanib-puwersa ang KathNiel at ang kanilang fans para mapag-usapan kung paano malalabanan ang cyberbullying.

Ayon kay Kathryn, “Ayaw po namin na next five years, next ten years, mas lalo pa itong lumala. 

“Kasi na-feel namin kung gaano siya kahirap, kung ano ang struggle na napi-feel mo kapag ikaw ang nabu-bully mismo sa social media.

“We don’t wanna continue that, sana maging stepping stone ito ng lahat para mas maging aware na seryoso ‘tong bagay na ‘to. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana makatulong, kasi we’re happy na kasama namin ang Red Cross, at sana lang mas marami ang tumulong sa campaign namin na ito.”
 
MAKE NOISE. Patuloyni Kathryn, “Kapag naisip mo, hindi enough na you keep quiet. 

“Kasi yung iba naiisip nila, ‘A, okey pala, wala naman siyang masabi or something.'
 
“Akala nila tama ang ginagawa nila, kaya dito pumasok ang anti-cyberbullying, we have to make a stand. 

“Kasi kapag nabu-bully ka, hindi lang nasisira ang araw mo… nagli-lead into depression, especially sa mga teenagers.”

Sabi pa niya, citing statistics, “Thirteen to seventeen years old, eighty percent dito sa Philippines, naka-experience siya ng cyberbullying. 

“Ganun kalaki… na-experience yun.

“Kung may maipapayo ako sa lahat, take a stand and join us in our campaign para makapag-create tayo ng noise.

“Para yung gusto nating maisabatas… tayong mga kabataan, tayo ang magsimula.
 
“Kailangan nating mag-create ng noise.”
 
Sakali at makaharap ni Kathryn ang cyberbullies, ano ang sasabihin niya?
 
“I’ll ask them why, kung bakit nila nagawa yun, gusto ko rin siyempre marinig ang side nila.

“Kakausapin ko nang maayos, malay mo, mga bata lang din ang nangba-bash. 

“Baka kulang lang din sila sa guidance or baka akala nila fun gawin yun, nagiging cool sila.
 
“Maybe kung makausap mo, ma-convert mo pa, di ba?
 
"Bibigyan ko sila ng advice and, lahat naman tayo, puwedeng magkaroon ng second chance. 

“So, yun lang, iga-guide sila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN