Nadine Lustre, Ivan Dorschner react to blogger's accusations

IMAGE Noel Orsal

A blogger claims that she heard Kapuso actor Ivan Dorschner (right) call Nadine Lustre (left) a "manipulative controlling bitch of a girlfriend." Nadine is the girlfriend of Ivan's friend, James Reid.


Totoo bang pinagsalitaan ng masama ng Kapuso actor na si Ivan Dorschner ang Kapamilya actress na si Nadine Lustre?

Ito ang alegasyon ng isang blogger na nagngangalang Dee Alfonso sa kanyang Instagram videos na kumalat sa social media.

Ang pagpapakilala ni Dee sa sarili ay "influencer" at "fashion contributor."

Kamakailan ay nag-post si Dee ng videos, kung saan nagbitiw siya ng mga alegasyon laban kay Nadine, sa boyfriend nitong si James Reid, at kaibigan nilang si Ivan.

Isa sa mga alegasyon ni Dee ay ang pagsasabi umano ni Ivan na “bullshit” ang showbiz at isang “controlling b*itch of a girlfriend” si Nadine.

Nagkasama sina James at Ivan bilang housemates sa ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010,

Dito rin nagsimula ang pagkakaibigan ng dalawang aktor.

Sa kuwento ni Dee, nagpunta siya sa isang night club, kung saan naroon umano si James.

Gusto raw sana niyang magpa-picture kay James, pero nagdalawang-isip siya dahil nakita niya ang dalawang babaeng lumapit sa aktor, subalit hindi sila pinansin nito at tumanggi umanong magpa-picture sa kanila. 

Sa isa pang video, maririnig ang blogger na nagsasabing, “To be honest, I’m not sure how far into the story I should publicly share in my Insta Story…”

Sa huling bahagi ng video, binanggit ni Dee ang pangalan ni Ivan.

Sabi niya tungkol sa Kapuso actor, “And he was basically just talking about the ins and outs of the industry and how bullshit it is. And how Nadine is such a manipulative controlling bitch of a girlfriend.”

Narito ang multiple posts ng isang netizen kalakip ang recent IG Stories ni Ivan at videos ni Dee:

Mababasa rin ang magkahalong reaksiyon ng netizens hinggil dito.

Marami ang namba-bash kay Ivan, at tinawag pang "fake friend."

Ipinagtanggol naman siya ng kanyang mga tagasuporta.




NADINE'S POSTS. Lunes ng gabi, November 6, pumukaw ng atensiyon ang cryptic posts ni Nadine sa kanyang Instagram Story.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Halatang may pinasasaringan ang 24-anyos na Kapamilya actress sa kanyang dalawang magkasunod na posts:

“Whats the matter? Cant handle all the attention you asked for?”

“Making shxt up and hating on me cuz truth is..bxtch, u actually a fan.”

Ginamit din ni Nadine ang hashtag na "#inDeenial."

Pinaniniwalaang ito ang buwelta ng aktres sa akusasyon ni Dee.



IVAN’S INSTA STORIES. Samantala, dalawang oras matapos mag-post si Nadine, nag-post din ng mga makahulugan mensahe si Ivan sa Instagram Story.

Tila patungkol din ito sa video posts ni Dee.

Mensahe ni Ivan: “Fake news is everywhere be careful of what you read be careful of what you believe.”

“the devil is in the details.”


Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ng mga taong sangkot sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN