Pia Wurtzbach gets flak for blocking Twitter users commenting on EJK

IMAGE Noel Orsal

Pia Wurtzbach's congratulatory message (inset) for two Pinay beauty queens who won in international pageants last weekend drew flak from netizens, who wanted her to make a stand on extrajudicial killings.


Humingi ng paumanhin si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa pagba-block niya ng ilang netizens na nagkomento sa kanyang tweet.

Nagsimula ito nang mag-tweet si Pia bilang pagbati sa dalawang Pinay beauty queens na nakasungkit ng korona sa international beauty pageants nitong weekend: sina Karen Ibasco bilang Miss Earth 2017 at Winwyn Marquez bilang Reina Hispanoamericana 2017.

Sabi ni Pia sa kanyang tweet: “Everyday may crown ang Philippines! Congratulations!”


Stories We Are Tracking

Pia, Megan congratulate new beauty queens Winwyn, Karen
Pia, Megan congratulate new beauty queens Winwyn, Karen

May ilang netizens na pinasukan ng isyung pulitikal ang congratulatory tweet ni Pia, partikular ang isyu ng extrajudicial killing (EJK).

Mainit na usapin ngayon sa bansa ang mga patayang nagaganap kaugnay ng kampanya ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa ilegal na droga.

Ayon sa ilang netizens, mas pinapahalagahan pa umano ng dating Miss Universe ang pagwawagi ng Pilipinas sa international beauty pageants kaysa sa usapin tungkol sa EJK.



Bilang reaksiyon, nag-block si Pia ng ilang followers niya.

Hindi naman pinalampas ng mga naturang netizens ang pagba-block sa kanila ng beauty queen at patuloy siyang binatikos.




May ilang netizens na humamon kay Pia na mag-react tungkol sa isyu.



Ang iba naman ay ipinagtanggol si Pia. Idinadamay pa raw ang beauty queen-actress sa simpleng tweet nitong wala namang kinalaman sa isyu. 




 

Sa pamamagitan ng Twitter ngayong Martes, November 7, humingi ng paumanhin si Pia sa na-offend sa kanyang naging aksiyon.

Pahayag ng dating Miss Universe, “I'm sorry po. I don't mean to be misunderstood po and I don't mean to offend anyone. I am very much pro life. Salamat po mga kababayan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN