Matteo Guidicelli on accusation he's a user: "What's new?"

by Nerisa Almo
Nov 7, 2017
Matteo Guidicelli on accusations that he's just using girlfriend Sarah Geronimo to promote his projects: "Some people say online or they always say, 'Oh, they're always talking about her.' But I'm just answering questions, di ba? It's an exchange of conversation, kumbaga."

“What's new?”

Ito ang reaksiyon ni Matteo Guidicelli sa posibilidad na masabihang “user” dahil sa pagsagot niyang muli sa mga tanong tungkol sa girlfriend na si Sarah Geronimo.

Madalas kasing natatanong si Matteo, 27, tungkol kay Sarah, 29, tuwing haharap siya sa media.

Katulad na lamang nang nangyari sa press conference ng upcoming concert niyang Hey Matteo ngayong Martes, November 7.

“I'm used to it,” sambit ng The Ghost Bride actor.

“The thing is, I'm not gonna be affected because I know the truth of what I'm doing.

“That's why we're not working with each other.

“Kung nagtatrabaho pa kami na magkasama kami, yun, puwede nilang sabihin na gamit na gamit.

“But, we make it a point na we don't work together.”

Kung si Matteo ang tatanungin, gusto na sana niyang iwasan ang mga tanong tungkol sa relasyon nila ni Sarah.

Pero paglilinaw niya, “I'm not consciously saying, you know, broadcasting Sarah.

Continue reading below ↓

“I'm just answering questions, di ba? I'm answering questions.

“Some people say online or they always say, 'Oh, they're always talking about her.'

"But I'm just answering questions, di ba? It's an exchange of conversation kumbaga."

Sa tingin ni Matteo, mahirap nang maiwasan ito.

Sabi ng Kapamilya actor-singer, “Sarah is an influence. Sarah is an influence to me.

“But last time I called MJ [Felipe, host ng presscon], 'Let's talk about music. Let's not talk about Sarah.'

“But how can we decline? Even here, we're talking [about her]. It's a normal thing.

“There's nothing bad, there's nothing good, it's just being honest, being real, kumbaga.

“So, kung hindi nila matanggap, e, di bahala sila sa buhay nila.”

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

Samantala, wala na raw magagawa si Matteo kung hanggang ngayon ay mayroon pa ring hindi naniniwala sa pagiging tapat niya sa relasyon nila ni Sarah, na ngayon ay umabot na sa mahigit tatlong taon.

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

Aniya, “Everybody will doubt and will hate.

“But the point is, Sarah and I, we know the truth of things.

“It's Sarah and I in a relationship, not me and another person.

“Kami, wala naman silang alam sa totoong nangyayari, alam mo yun? Kung sarado ang pinto, sarado ang lahat.

“We know the truth of things. So, they can doubt, they can think whatever they want to think.”

Sa ngayon, hindi pa raw sigurado si Matteo kung makakadalo si Sarah sa kanyang concert na gaganapin sa Kia Theater sa November 30.

“Mamaya, tatanungin ko siya,” nakangiting sabi niya.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matteo Guidicelli on accusations that he's just using girlfriend Sarah Geronimo to promote his projects: "Some people say online or they always say, 'Oh, they're always talking about her.' But I'm just answering questions, di ba? It's an exchange of conversation, kumbaga."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results