Chynna Ortaleza and Kean Cipriano tie the knot a second time

IMAGE GMA Artist Center Instagram

Chynna Ortaleza and Kean Cirpiano renew their marriage vows via a church wedding held this Tuesday, November 7, at the Parish of the Hearts of Jesus and Mary, in West Triangle, Quezon City.


Kasabay ng second anniversary ng kanilang civil wedding, nagpakasal muli ang mag-asawang sina Chynna Ortaleza, 34, at Kean Cipriano, 30 sa simbahan ngayong Martes, November 7.

Ginanap ang church wedding ng dalawa sa Parish of the Hearts of Jesus and Mary, sa may West Triangle, Quezon City.


Lumabas ang personalidad at pagiging artistic nina Chynna at Kean sa kanilang kasal na tila gothic-inspired.

Mas lalong lumutang ang kagandahan ng Kapuso actress sa kanyang gray wedding gown na idinisenyo ni Edwin Tan.


Ang bridesmaids at groomsmen ay naka-black coat at shirt na may nakasulat na “Till Death Do We Art.”

Kabilang sa bridesmaids ang mga malalapit na kaibigan ni Chynna sa showbiz na sina Glaiza de Castro, LJ Reyes, at Ryza Cenon. 

Groomsmen naman ang mga kabanda ni Kean sa Callalily.

Secondary sponsors ang mag-asawang John Prats at Isabel Oli.

Sa halip na gown ay naka-long sleeve na polka dots ang mga babae, at black suit with bow tie naman sa mga lalaki.


The secondary sponsors, including celebrity couple Isabel Oli (third from left) and John Prats (third from right)

Siyempre, flower girl ang unica hija ng mag-asawa na si Stellar.


Chynna and Kean with their daughter, Stellar

Apat na pares ng principal sponsors lamang ang napili nina Chynna at Kean, kabilang ang GMAAC senior assistant vice president for alternative production na si Gigi Santiago.


The newlyweds with the principal sponsors, including Ms. Gigi Santiago of GMA Artist Center (third from left)

Instead of fresh flowers, dry leaves ang nakakakalt sa aisle ng simbahan. 

Black calla lily ang bouquet ni Chynna; berries and leaves naman ang bouquet ng entourage.


Chynna and Kean with their parents and the officiating priest

Ang reception ay kasalukuyang ginaganap sa Pio's Kitchen. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN