Beauty Gonzalez on John Lloyd Cruz-Ellen Adarna relationship: "They both love each other."

IMAGE Instagram @maria.elena.adarna / Noel Orsal

Beauty Gonzalez (right) on speculation that John Lloyd Cruz and Ellen Adarna (left photo) may tie the knot: "Why not? If they feel like it. Imbitahin naman nila ako, di ba? I'll be there whenever, wherever."


Inamin ni Beauty Gonzalez na masayang-masaya siya para sa best friend niyang si Ellen Adarna, 29, at rumored boyfriend nitong si John Lloyd Cruz, 34. 

Kitang-kita raw ang espesyal na pagtitinginan sa pagitan ng rumored couple na naglibot sa Europe sa loob ng halos isang buwan.

Ayon kay Beauty, “They both love each other, e. So, I'm happy for them.”

Pormal bang naipakilala sa kanya ni Ellen si John Lloyd bilang boyfriend nito?

Sagot ng Pusong Ligaw star, “We're too old to say things na… Kahit ako nga, hindi ko napakilala na boyfriend ko na pala yung asawa ko dati.

“It's just, you know, when you see both people happy, then maybe they’re together.”

Kaugnay nito, wala raw siyang nakikitang masama sa biglaang desisyon nina John Lloyd at Ellen na panandaliang iwan ang kanilang showbiz commitments upang magbakasyon.

Si John Lloyd ay lead star ng ABS-CBN weekly sitcom na Home Sweetie Home, habang si Ellen ay kabilang sa supporting cast ng show.

Paliwanag ni Beauty, “We all need a break.

"Ako rin naman, I'm gonna go somewhere also. I'm gonna have my break.

“I mean, kailangan din natin ‘yan sa sarili natin. We need to get ourselves together.

“Kasi minsan, when you're overworked na rin, araw-araw yun lang ang ginagawa mo, nakakalimutan mo na kung paanong tumawa.

“Nakakalimutan mo nang mag-appreciate sa mga maliliit na bagay—pag-travel, bigyan ng time sarili mo.

"So, I'm happy, finally, both of them are doing it."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at piling entertainment reporters si Beauty pagkatapos ng presscon ng ABS-CBN drama series na Pusong Ligaw.

Ginanap ang presscon sa 9501 Restaurant sa ELJ Building ng ABS-CBN, ngayong Martes, November 7.

WEDDING TALKS? Dito ay hiningan ng reaksiyon si Beauty hinggil sa espekulasyong posibleng nagpaplano nang magpakasal sina John Lloyd at Ellen.

Boto raw ang 26-year-old actress kung sakaling lumagay na sa tahimik ang rumored couple.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Why not? If they feel like it.

“Imbitahin naman nila ako, di ba? I'll be there whenever, wherever.

“Sabi ko sa kanila, 'Gawin niyo na lang weekend. Kahit isang araw, pupuntahan ko kayo kahit saan.'

“Siyempre, both of them are ninang and ninong sa anak ko.

“So, they're very close to me and to my family.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN