Joey de Leon admits fault in depression controversy

IMAGE Joey de Leon Twitter

Joey de Leon on his controversial statement about depression: "Sinabi ko talaga yun na, yung iba naman, loosely, ginagamit yung word na 'yan. Nakipag-break lang sa boyfriend, 'A, depressed ako.' Yun ang ibig kong sabihin noon, e, na-hurt yung iba, nag-sorry naman ako. Kaya sabi, kung may buti na idudulot yung kamalian ko, e, di yun na 'yon."


Natawa ang veteran TV host-comedian na si Joey de Leon sa obserbasyon ng entertainment press na nalampasan na niya ang kontrobersiyang idinulot ng kanyang komento tungkol sa depression.

Makalipas ang mahigit isang buwan pagkatapos niyang sabihin sa Eat Bulaga! na “gawa-gawa lang ng mga tao” ang depression, nakausap ng entertainment press sa unang pagkakataon si Joey.

Ito ay naganap sa press conference ng pelikulang Barbi, D’ Wonder Beki ngayong Martes, November 7.

Sabi ni Joey tungkol sa kinasangkutang kontrobersiya, “Ang importante, wala akong depression. Yun lang ang importante.

“Totoo, sinabi ko talaga yun na, yung iba naman, loosely, ginagamit yung word na ‘yan.

“Nakipag-break lang sa boyfriend, ‘A, depressed ako.’

“Yun ang ibig kong sabihin noon, e, na-hurt yung iba, nag-sorry naman ako.

“Kaya sabi, kung may buti na idudulot yung kamalian ko, e, di yun na ‘yon.”


Stories We Are Tracking

Maine Mendoza contradicts Joey de Leon's view of depression
Maine Mendoza contradicts Joey de Leon's view of depression
Fellow celebs react to Joey de Leon's comment on depression
Fellow celebs react to Joey de Leon's comment on depression
Joey de Leon apologizes for remark about depression
Joey de Leon apologizes for remark about depression
Joey de Leon's kids react to depression controversy
Joey de Leon's kids react to depression controversy

MARIEL’S TWEET. Hiningan din ng komento si Joey tungkol sa tweet ni Bb. Pilipinas-International 2017 Mariel de Leon noong kasagsagan ng isyu.

Sabi ng anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong: “Depression isn’t a joke. Same last name, but thank God, we’re not related. Ew. Shame on him and people who think like him.”

Hindi raw nabasa o nalaman ni Joey ang tungkol dito.

Saad niyam “Yung anak ni Boyet? Hindi ko narinig yun.

“Basta ako, lahat ng nagalit sa akin, e, tinanggap ko lahat sila.

“E, mismo nga sa bahay namin, pinagalitan ako ng wife ko, saka ng mga anak ko... ‘May mga kamag-anak tayo na may ganyan.’

“E, hindi ko alam na sakit ‘yan.

“Ang alam ko lang, loosely nga, kung gamitin ‘yan ng iba, ‘Ohh, I’m depressed!’”

Una raw siyang nag-sorry sa kasamahan niya sa Eat Bulaga! na si Maine Mendoza, na agad na kumontra sa sinabi ng beteranong TV host tungkol sa depression.

“Una akong nag-sorry kay Maine dahil may mga kasama ako doon na siguro, may ganoon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, hindi ko alam, nag-sorry ako.”

Ayon kay Joey, hindi pa niya nararanasan ang depression.

“Hindi! Hindi ko nga maintindihan.

“Problema mo lahat, e, buntot mo, dala mo, kapag nalulungkot ka.

“Hindi ko alam na hindi siya normal sadness.

“Sabi ko, I’m sorry. Immediately, the next day, nag-sorry ako.

“Ganoon talaga, hindi ko alam.

“So ngayon, alam ko na, so I’m sorry.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN