Did Kris Aquino invite Mocha Uson for coffee?

IMAGE Noel Orsal

Is Kris Aquino (in photo) pertaining to PCOO assistant secretary Mocha Uson as the "blog post author" she wants to invite for coffee?


Hindi man pinangalanan, isang imbitasyon para magkape ang ipinaabot ni Kris Aquino kay Mocha Uson sa pamamagitan ng Instagram post ng Queen of All Media kamakailan.

Sa dulo ng post ni Kris tungkol sa pagiging "summa cum laude" niya sa kurso ng "How To Get Over an EX," may imbitasyon siyang ipinaabot sa isang "blog post author." 

Sabi ng 46-year-old TV host-actress: "Having said that, may i invite the blog post author to a Nespresso? Coffee naman tayo pag may time? After all i’m nice in person.)”

A friend sent this to me & i couldn’t stop giggling... ???? super relate because minsan umasa rin ako ng dahil sa Starbucks invitation... But NATUTO NA KO ng bonggang bongga- that’s why i’ve bought 3 Nespresso machines, 2 for different areas of our home, 1 binabaon for work- and all the capsules of my favorites Dulsao, Bukeela, Linizio, and Vanilio... plus Volluto Decaffeinato... Starbucks- i just ask Jack or Jane to please buy me Chai Tea Latte, soy, no foam... but my coffee, it’s personal... at home akong nagtitimpla w/ no expectations except just to enjoy the moment. #truth (P.S. Kaya please wag nang mag lecture about an “unfaithful boyfriend?” Honestly, summa cum laude na po ako sa kurso ng How To Get Over an EX. Having said that, may i invite the blog post author to a Nespresso? Coffee naman tayo pag may time? After all i’m nice in person. ????) ??????

A post shared by ???????? Kris Aquino (@krisaquino) on

Hindi na masyadong naintriga ang mga tao sa past love issue patungkol sa sinabi ni Kris na “summa cum laude na po ako sa kurso ng How To Get Over an EX,” dahil naisapubliko na rin naman ang mga pinagdaanan niya sa kanyang love life.

Pero marami ang na-curious kung sino ang pinatutungkulan ni Kris na "blog post author" na inimbita niyang magkape sa huling bahagi ng post na ito.

COFFEE WITH MOCHA. Lumalabas na si Mocha Uson pala ang tinutukoy ni Kris na blog post author.

Sa Facebook post kasi ng PCOO assistant secretary sa kanyang Mocha Uson Blog noong October 27, may mensahe siya patungkol kay Kris, kalakip ang post ng PLDT Home, bilang pag-welcome sa Queen of All Media sa PLDT and Smart family.

Ani Mocha: “MY OPINION ABOUT KRIS AQUINO. I have nothing against Kris Aquino as long as she won't run for public office.

"She is nice in person but another Aquino in government is just going back to your unfaithful bf again and again.

"Tama na ang ilang palpak na relationship (Cory, Pnoy and Bam).

"Kaya as long as Kris is a private person and not in government I think hindi dapat siya i-bash. Hindi niya kasalanan pinanganak siyang AQUINO.

"Wag lang talaga siya tatakbo o papasok sa gobyerno ibang usapan na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Our concern is ang PLDT sana hindi na gumastos ng gumastos sa marketing.

"Dapat ayusin nalang nila service nila. Palpak na nga internet speed palpak pa ang after service nila.

"Kesa na sa gumastos pa sila sa marketing they should focus on serving their costumers well. Yun lang po salamat.”

Sa kabila ng mga banat ni Mocha laban sa pamilya Aquino, bukas pa rin si Kris na makausap ito at inimbita pa niya itong magkape.

Tanggapin kaya ni Mocha ang imbitasyon ni Kris, since siya na rin ang nagsabi na "nice in person" naman ang TV host-actress?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN