Ahron Villena, Kakai Bautista finally kiss and make up

by Bernie V. Franco
Nov 8, 2017
Ahron Villena and Kakai Bautista are finally back in each other's arms... as friends. The two went on in a quick trip to Tagaytay with some of their friends. 

Nagkabati na ang matalik na magkaibigan at dating na-link na sina Kakai Bautista at Ahron Villena.

Magkasamang nagbakasyon ang dalawa sa Tagaytay, kasama ang ilang pang mga kaibigan, kamakailan.

Sa isang video na in-upload sa Facebook noong November 6, mapapanood sina Ahron, 30, at Kakai, 39, na nagbibiruan.

Tinukso sila ng radio jock na si DJ Jhaiho kung nagkabalikan na ba sila.

Sagot ni Ahron, “Nagkabati, okay na naman.”

FRIENDZONED? Taong 2015 nang maugnay sina Kakai at Ahron dahil sa sweet photos na ipinu-post nila sa social media.

Continue reading below ↓

Bagamat patuloy silang inili-link noon, walang inamin ang dalawa na magkarelasyon sila.

Kaya naman marami ang nagulat nang i-friendzone ni Ahron si Kakai sa isang social media post noong March 2016, kasabay ang pagbura sa mga larawan nila sa kanyang Instagram account.

STORIES WE ARE TRACKING

July 2017 nang sabihin ni Kakai sa isang interview na magkaibigan na silang muli ni Ahron, at sinabing tanggap niya si Ahron kung anuman ang pagkatao nito.

Minasama ito ni Ahron dahil sa tila pasaring ni Kakai tungkol sa kanyang sekswalidad.

STORIES WE ARE TRACKING

Sa October 29 episode ng Gandang Gabi Vice, inamin ni Kakai na minahal at umasa siya kay Ahron.

Inamin din ng comedienne na may idine-date siya ngayong isang non-showbiz guy.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Read More Stories About
Kakai Bautista, Ahron Villena
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ahron Villena and Kakai Bautista are finally back in each other's arms... as friends. The two went on in a quick trip to Tagaytay with some of their friends. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results