Comedian Atak returns to social media after release

IMAGE Noel Orsal

Muling nagparamdam sa social media ang komedyanteng si Atak Araña matapos masangkot sa insidente ng paghalik at panghihipo diumano sa isang bell attendant sa Okada, Manila, noong October 23. 


Matapos ang halos tatlong linggong pananahimik sa social media, nagparamdam sa kanyang mga kaibigan at fans ang komedyanteng si Ronie "Atak" Arana.

Sa pamamagitan ng Facebook ngayong Miyerkules ng gabi, Nobyembre 8, nag-post si Atak ng mensahe ng pasasalamat sa Diyos.

Aniya, “Thank You So Much Lord sa HOPE! Protection at Wisdom! Good Evening Everyone from Me and Lucky.”

Kalakip ng mensahe ni Atak ang collage photo ng kanyang selfie, Christmas tree, at ng isang aso.

Ito ang unang pagkakataong nag-post sa social media si Atak mula nang maaresto siya dahil diumano sa panghihipo at paghalik niya sa isang bell attendant ng Okada Manila, noong madaling-araw ng October 23.

Kinilala ng pulisya ang attendant na si Christian Macavinta, na naghain ng reklamong acts of lasciviousness laban sa komedyante.

Nakulong ng ilang araw si Atak ngunit nakalabas din matapos magbayad ng piyansa.

Mula nang makalabas ay nananatiling tahimik ang komedyante kaugnay ng kinasangkutang insidente.


Stories We Are Tracking

Hotel-casino employee stands by allegation against Atak
Hotel-casino employee stands by allegation against Atak
Empoy Marquez shocked by complaint against Atak
Empoy Marquez shocked by complaint against Atak


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN