Aicelle Santos on settling down with boyfriend Mark Zambrano: "Not anytime soon."

IMAGE Noel Orsal

Aicelle Santos on her ideal wedding: "I want it very, very simple, kasi mahal po, e."


Inamin ni Aicelle Santos na napag-uusapan na nila ng boyfriend niyang si Mark Zambrano ang pagpapakasal.

Pero agad niyang paglilinaw, “Napag-uusapan, pero not anytime soon.”

Sa press conference ng upcoming concert niyang Awit Ni Aicelle, ngayong Miyerkules, November 7, sinabi ng Kapuso singer na bagamat nasa marrying age na siya, hindi pa ito mangyayari dahil ikakasal ang kanyang nakababatang kapatid ngayong buwan.

Dahil siya ang magiging Maid of Honor sa kasal ng kapatid, nagkakaroon na raw ng ideya si Aicelle kung paano maghanda para sa isang kasal, lalo na pagdating sa pagba-budget.

Ayon sa 32-year-old singer, “So, napag-uusapan namin ang preparation niya, na ito yung budget niya, tapos biglang tuma-times two na.

“Ako, I'm learning what to get and what not to get, kung puwede namang ito na lang kaysa yung isa.”

Kung siya ang tatanungin, simple lang ang gustong kasal ni Aicelle.

“I want it very, very simple, kasi mahal po, e,” nakangiting sabi ng Impostora actress.

Alin ang mas gusto niya: beach wedding o garden wedding?

Sagot niya, “Preferably, beach sana.

"Pero kung makakatipid sa garden, puwede rin.

"Kasi yung mga suppliers, kapag dinala mo doon [sa beach], mas doble, e."

Sooo happy to be spending time with this one...??

A post shared by Aicelle Santos (@aicellesantos) on

REPORTER BOYFRIEND. Dahil kilalang news reporter ang kanyang boyfriend na si Mark, 40, natanong ng isang entertainment reporter si Aicelle: "Handa ka nang maging gising 24 oras?"

Sagot ng Kapuso singer-theater actress, “Well, ang buhay mag-asawa naman talaga is selfless, di ba?

“Kumbaga, tatapusin mo na ang lahat ng sa 'yo, kasi lahat ng sa 'yo, sa kanya na, sa magiging anak niyo na. That's his job, e.”

Sa tv na lang kita nakikita mahal ko...???? I miss you... Ingat kayo.????

A post shared by Aicelle Santos (@aicellesantos) on

Ayon kay Aicelle, hindi hadlang sa relasyon nila ang trabaho ng kanyang boyfriend.

“I am very proud sa mga work na ginagawa niya.

“Yung worry, siyempre, hindi mo maaalis yun.

"Kahit sino naman, basta nasa labas, di ba, sa panahon ngayon?

“Magdasal ka lang talaga, ipagdadasal mo ang safety.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN