Venus Raj on why she stopped wearing swimsuits: "Nakakahiya, baka masuka kayo."

IMAGE Venus Raj Instagram

Venus Raj bides her time waiting for love. "If there's no one pursuing me, I can't do anything about that. But even if you're waiting, you should wait expectantly. Mag-ayos ka, magsuklay ka, magpaganda ka naman kahit papaano," she advises.

 


Kinumpirma ni Venus Raj na may mga limitasyon na siya sa kanyang kasuotan mula nang matagpuan niya ang Panginoon.

Pero paglilinaw ng Miss Universe 2010 4th runner-up, “Hindi siya limitation just because I don't wanna do it.

“You know, I'm getting old. I've matured, I'm turning thirty. 
   
"Hindi siya limitations just because I want limitations.

“It's because I'm getting mature and I'm having convictions, yun yung pinapangatawanan ko.

“Anything that I feel not biblical, it's conviction.

“Hindi na rin kagandahan yung katawan ko, hindi na ako nagsu-swimsuit.

“Nakakahiya, baka masuka kayo.”

Sa paksang love life, sinabi ni Venus na wala siyang manliligaw ngayon.
     
Masaya naman daw siya sa estado niya.

Saad ng beauty queen-TV host sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I’m happy and in love every day.

“Wala akong suitor, I am just really content with my relationship with the Lord every day. 

"Bakit wala? I am just waiting, I am not pursuing.

“So, if there's no one pursuing me, I can't do anything about that.

“But even if you're waiting, you should wait expectantly.

"Mag-ayos ka, magsuklay ka, magpaganda ka naman kahit papaano."

GOOD INFLUENCE. Teary-eyed naman ang businesswoman na si Cristina Decena nang ikuwento ang magandang impluwensiya sa kanya ni Venus.

Sina Venus at Cristina ang hosts ng Business Flight, ang lifestyle show na naka-third season na at napapanood tuwing Sabado sa GMA News TV.
   
Ayon kay Cristina, natuto siyang magbasa ng Holy Bible dahil kay Venus, na nakasama niya sa Asian cruise noong April 2017.
   
Lahad niya, "Nag-cruise kami, magkasama kami sa room.

“Nagtataka ako, every morning, nagbabasa siya ng Bible.

“Di ba, may tinatawag na in God's perfect time?

“Palagi akong nakakakita ng Bible, pero hindi ako nagbabasa.”

Si Venus daw ang nagbigay kay Cristina ng "in God's perfect time" para ma-realize na napakaimportante pala ang magbasa ng Bible.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa niya, "Ngayon, hindi ko masimulan ang araw ko hangga't hindi ko tinitingnan yung Verse of the Day.

“Kapag matutulog na ako, gusto ko nang mag-12 o’clock ng madaling-araw, kasi meron na naman bagong Verse of the Day.”
   
Kung may tanong daw siya, lahat ay nasasagot ni Venus.

Ani Cristina, “Na-inspire ang buhay ko… from the start, maraming tao ang may atraso sa akin.

“Pero binuksan ni Venus yung isip ko sa salitang pagpapatawad, pagmamahal, lahat yun.”

Si Cristina ay naugnay noon sa aktor na si Phillip Salvador at naging asawa ng komedyanteng si Ariel Villasanta.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN