Isabel Granada's remains arrive in the Philippines

by Arniel C. Serato
Nov 9, 2017
Binigyan ng military honors ng Philippine Air Force ang mga labi ng actress-singer na si Isabel Granada nang dumating ito sa Pilipinas ngayong Huwebes ng umaga, November 9. Nakatakdang i-cremate ang mga labi ni Isabel sa Linggo, November 12.

Nakabalik na ng Pilipinas ang yumaong si Isabel Granada.

Bandang 10:20 ng umaga ngayong Huwebes, November 9, lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 ang eroplanong kinalalagakan ng mga labi ng actress-singer.

Galing sa Qatar ang mga labi ni Isabel, na sumakabilang-buhay noong November 4 sa edad na 41.

Pagdating sa tarmac ng NAIA, binigyan ng military honors ng Philippine Air Force (PAF) ang aktres, na isang lisensiyadong piloto.

Siya ay may ranggong airwoman second class sergeant sa loob ng dalawang taon.

Ito ay base na rin sa Facebook post ng ex-husband ni Isabel na si Jericho Aguas.

Continue reading below ↓

Kasabay na dumating sa bansa ang mister ni Isabel na si Arnel Cowley at pinsang si Joseph Rivera.



Continue reading below ↓



Continue reading below ↓

Mula sa airport, dadalhin ang mga labi ni Isabel sa Santuario de San Jose Parish, sa may Greenhills, para sa kanyang lamay hanggang Linggo, November 12.

Nakatakdang i-cremate ang mga labi ni Isabel sa Linggo, alas-dos ng hapon.


Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Read More Stories About
Isabel Granada
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Binigyan ng military honors ng Philippine Air Force ang mga labi ng actress-singer na si Isabel Granada nang dumating ito sa Pilipinas ngayong Huwebes ng umaga, November 9. Nakatakdang i-cremate ang mga labi ni Isabel sa Linggo, November 12.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results