Pia Wurtzbach says Pauleen Luna and Vic Sotto's baby daughter is "very cute"

IMAGE Instagram

Pia Wurtzbach feels no pressure even when her best friend, actress-TV host Pauleen Luna, is already a mom. "I'm just very happy for her and I know she's been wanting this for a while."


Masayang-masaya si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na isa nang ina ang matalik niyang kaibigan na si Pauleen Luna.

"Oh, wow! I was just talking to her last night and I was asking her how she’s going, how’s the baby," sabi ni Pia.

Nagsilang si Pauleen via cesarean section sa unang anak nila ng veteran comedian na si Vic Sotto noong November 6, Lunes.


Stories We Are Tracking

Pauleen Luna details her childbirth by C-section
Pauleen Luna details her childbirth by C-section


Stories We Are Tracking

Vic Sotto confirms Pauleen Luna has given birth
Vic Sotto confirms Pauleen Luna has given birth

Unang beses na maging ina ni Pauleen kung kaya't natutuwa raw si Pia para sa kaibigan.

Isa rin si Pia sa mga unang nakakita sa baby daughter nina Pauleen at Vic.

“I’m really excited for her. She sent me a picture. Okay naman siya.

"And the baby’s very cute!” bulalas niya.

Nainggit ba siya kay Pauleen ngayong may anak na ito?

“Hindi naman, hindi naman.

“I’m just very happy for her and I know she’s been wanting this for a while.

"And I’m glad that you know, giving birth came as a breeze for her, it wasn’t too difficult for her."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Pia sa launch ng Empire Group of Companies na pinamumununan ni Jonas Gaffud, na siya ring head ng Mercator Model Management.

Ginanap ang launch kahapon, November 8, sa Solaire Resort & Casino, Parañaque City.

ENJOYING WITH MARLON. Samantala, masaya at going strong naman ang relationship ni Pia at boyfriend nitong si Marlon Stockinger.

Ayon sa beauty queen, ito ay dahil nagkaroon ng matibay na pundasyon ang kanilang relasyon ng racing driver.

Sabi ni Pia, “We have a very good foundation naman, Marlon and I, so it keeps us strong.

“We started off as, like, parang long-distance relationship, because I was Miss Universe at the beginning.

"So, I think that’s a very good test already."

May plano na ba silang magpakasal?

“Wala pa naman.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ini-enjoy raw nila ni Marlon ang kanilang relasyon bilang boyfriend-girlfriend.

Wala naman daw mensahe si Pia para sa kanyang bashers.

“Wala naman… I guess, by this time, I’m already used to how the industry works and how showbiz is, and I’m okay. I’m fine.

“I’m just enjoying what I love to do.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN