Pia Wurtzbach elated over back-to-back wins of Karen Ibasco and Winwyn Marquez

IMAGE Instagram / Melo Balingit / Allan Sancon

Pia Wurtzbach (center) on Reina Hispanoamericana 2017 Winwyn Marquez (left) and Miss Earth 2017 Karen Ibasco (right): "I'm just really happy na in a span of, I would say mga 12 hours ba yun, we won two crowns internationally. So, proven na talaga na magaling talaga ang mga Pilipina."


Isa si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa labis na natuwa sa pagkapanalo ni Winwyn Marquez sa Reina Hispanoamericana 2017 beauty pageant, na ginanap sa Bolivia nitong weekend.

“Ay, ang saya!” bulalas ng beauty queen.

“Kasi, umpisa pa lang nung live streaming, pinapanood ko na—from start to finish talaga.

“At nag-alarm pa ako sa phone para hindi ko ma-miss yung live streaming nung pageant.

“Ay, tuwang-tuwa ako! Grabe yung excitement at kaba ko nung announcement na nung winner.

“At nung nanalo na siya, nanginginig ako sa sobrang tuwa!

“As in, I’m very happy for her.”


Stories We Are Tracking

Winwyn Marquez is Reina Hispanoamericana 2017
Winwyn Marquez is Reina Hispanoamericana 2017

Ikinatuwa rin siyempre ni Pia ang pananalo ni Karen Ibasco sa Miss Earth 2017.

Aniya, “I don’t know Karen personally, but I’m very… pinanood ko din yung pageant na hindi tumitingin sa phone, nang live streaming lang din siya.

“Ayoko kasi ng spoilers, gusto ko kasi yung kusang ma-excite ako.”

Papuri pa ni Pia kay Karen, “And, you know, we have to hand it to her.

“She answered very well, she really proved to be deserving for the crown.

“And I’m just really happy na in a span of, I would say mga 12 hours ba yun, we won two crowns internationally.

“So, proven na talaga na magaling talaga ang mga Pilipina.”


Stories We Are Tracking

Karen Ibasco is Miss Earth 2017
Karen Ibasco is Miss Earth 2017

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Pia sa The Launch, kung saan ini-launch ang Empire Group of Companies ni Jonas Gaffud, sa Solaire Resorts and Casino kahapon, November 8.

Si Jonas ang head ng Mercator Model Management, na nasa ilalim ng umbrella ng Empre.PH.

Nakapailalim din dito ang My Hotspot TV, kung saan ipalalabas very soon ang cooking show ni Pia.

MISS UNIVERSE. May mensahe rin si Pia para kay Rachel Peters.

Si Rachel ang representative ng Pilipinas sa Miss Universe 2017, na gaganapin sa Las Vegas, Nevada, USA, sa November 26.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Like I always say, you just have to keep your focus.

"Don’t get distracted, especially ngayon na medyo palapit na yung pageant, maraming mga taong magbibigay sa iyo ng advice, malilito ka, ganyan.

“Pero mag-focus ka lang sa sarili mo and, first of all, most of all, enjoy the pageant.

“Kasi, pag natapos na yung few weeks na yun na nasa Vegas ka, hindi mo na mababalikan yun.

“It’s not like Binibining Pilipinas where you can join again.

“You can only do Miss Universe once, so take as many pictures as you can and just enjoy, have fun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN