Reina Hispanoamericana 2017 Winwyn Marquez set to come home to PH on November 13

IMAGE Winwyn Marquez Instagram

Inaasahang babalik sa Pilipinas si Winwyn Marquez sa Lunes, November 13, siyam na araw matapos mapanalunan ang beauty title na Reina Hispanoamericana 2017 sa Bolivia noong November 4.


Sa Lunes, November 13, ang inaasahang pagbabalik sa Pilipinas ni Winwyn Marquez.

Ito ay siyam na araw matapos niyang mapanalunan ang beauty title na Reina Hispanoamericana 2017 sa Santa Cruz dela Sierra, Bolivia, noong November 4.

Nanggaling ang impormasyon tungkol sa homecoming ni Winwyn mula sa kanyang mentor—ang beauty-queen maker na si Jonas Gaffud.

Malaki ang kinalaman ni Jonas kaya natupad ang pangarap ni Winwyn na maging beauty queen.

Bukod sa walang kapagurang training na ibinigay niya sa aktres, siya ang nagdesisyong dapat sumali ang anak nina Alma Moreno at Joey Marquez sa Miss World Philippines 2017.

Ayon kay Jonas, “Nung nag-open up ang Miss World Philippines, may iba silang titles…

“Kasi ang natatakot lang siya, sa Miss World Philippines, isa lang ang title. Sa Binibining Pilipinas, marami.

“So, nung nag-open up ang Miss World Philippines ng maraming title, ang sabi ko, ‘O, ito, marami rin.’

“It’s easier to make paalam now, kasi sa GMA-7 also.

“GMA rin naman ang nag-joke na baka gusto uli ni Winwyn na sumali.”

Si Winwyn ay talent ng GMA Network.

Unang sumali ang actress-dancer sa Binibining Pilipinas noong 2015, ngunit nabigo siyang makapag-uwi ng korona.

Kasabay niya noon si Pia Wurtzbach na nanalong Miss Universe Philippines at Miss Universe.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Pia sa launch ng Empire Group of Companies ni Jonas, sa Solaire Resorts and Casino, kahapon, November 8.

JONAS'S ANECDOTE. May anecdote si Jonas tungkol sa pagsali ni Winwyn sa Reina Hispanoamericana.

Ayaw raw niya ang pakiramdam ng kinakabahan kaya hindi siya nanood ng live streaming ng beauty contest sa Internet.

“Ay, tulog ako!” bulalas niya.

“Talagang naglasing ako hanggang ala-singko ng madaling-araw.

“Sinasadya ko yun para paggising ko, gusto ko ng magandang news na lang.

“Alas-diyes [ng umaga] yung pageant, ayoko yung mag-aabang na naman. Tapos, kakabahan na naman.

“Nagising ako, ala-una ng hapon, ang dami nang congratulations. Parang nanalo yata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko alam kung nananaginip ako, tinawagan ko yung handler namin. Team manager ng Aces & Queens.

“Sabi ko, ‘Nanalo ba si Winwyn?’

“Sabi niya, ‘Oo, ano ba?’

“Ang dami nang messages, puwede na uli akong bumalik sa tulog ko!”


Stories We Are Tracking

Winwyn Marquez is Reina Hispanoamericana 2017
Winwyn Marquez is Reina Hispanoamericana 2017
Winwyn Marquez shares post-victory itinerary
Winwyn Marquez shares post-victory itinerary
Alma Moreno on cloud nine over daughter Winwyn's victory
Alma Moreno on cloud nine over daughter Winwyn's victory

MISS INTERNATIONAL. Sa darating na Linggo, November 12, lilipad naman si Jonas sa Tokyo, Japan, para suportahan si Mariel de Leon, ang official candidate ng Pilipinas sa Miss International 2017.

Gaganapin ang grand coronation ng Miss International 2017 sa November 14, sa Tokyo Dome City.

Gaya ni Winwyn, si Jonas din ang mentor at trainor ni Mariel kaya ipinagdarasal niyang magkaroon ng back-to-back win sa Miss International, sa unang pagkakataon, ang Pilipinas.

Si Jonas ang manager at mentor ni Kylie Verzosa, ang reigning Miss International.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN