Cory Quirino remains confident with Filipina beauty queens: "We will keep winning crowns."

IMAGE Instagram

Cory Quirino on our beauty queens: "Filipinas are born beautiful, so get used to it. We will keep on winning crowns."


Sunud-sunod ang pagkapanalo ng mga pambato ng Pilipinas sa iba't ibang beauty pageants nitong nagdaang linggo. 

Ang freshly-crowned queens ay sina Miss Pacific World 2017 Beatrice Andrada, Miss Earth 2017 Karen Ibasco, at Miss Reina Hispanoamericana 2017 Winwyn Marquez.

Bago pa man naiuwi ng mga naturang kandidata ang kani-kanilang korona ay positibo na ang beauty and wellness expert na si Cory Quirino na mananalo ang mga pambato ng Pilipinas sa mga sinalihan nilang patimpalak.

Pahayag niya, "I’m sure naman all the Filipinas have a very strong chance to win an international crown—all.

"'Yan ang sinabi ng mga iba’t ibang licensed holders sa buong mundo.

"Licensed holders ng Miss World nung pagka mayroon kaming meeting every year, ang tanong nila, 'What is it about the Philippines that you keep winning the crowns? You keep placing and winning.'

"I said, 'You know, Filipinas are born beautiful, so get used to it. We will keep on winning crowns.'"


Stories We Are Tracking

Karen Ibasco is Miss Earth 2017
Karen Ibasco is Miss Earth 2017
Winwyn Marquez is Reina Hispanoamericana 2017
Winwyn Marquez is Reina Hispanoamericana 2017

Nagbigay rin ng advice ang dating Miss World license holder and pageant organizer sa ilan pang sasali sa parating na beauty pageants, gaya ng Miss Universe at Miss World.  

Payo niya, "Para sa lahat ng lalaban [at] aspring international beauty queens, it’s one thing to win the national crown here in the Philippines, iba ang labanan sa international pageant.

"Kailangan ipakita talaga ang gilas mo, kailangang ipakita mo rin ang puso mo.

"When you walk on the stage, you’re not just walking, holding the Philippine flag, waving the Philippine flag on stage, but you have to show the world that you are very sincere about it.

"You have to be authentic so that the judges will see that you are not rehearsed, memorized, scripted, de kahon or whatever.

"You really have to show your originality and your authenticity."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Cory sa 12th anniversary ng Zen Institute, na ginanap sa Sofitel Hotel, Pasay City, kamakailan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MORE TIME. Ngayong wala na sa kanya ang franchise ng Miss World Philippines, nae-enjoy naman daw ni Cory ang maluwag niyang schedule.

Pahayag niya, "I’m happy actually, I can spend most of my time now focusing on my advocacies and things the I have always wanted to do.

"[I'm] writing my new book, starting my wellness blog—ang dami pang mga proyekto that were placed on hold because of Miss World.

"I made a decision, kasi six years on hold ang buhay ko [dahil] sa Miss World Philippines.

"I gave most of my time and energy [there]. Talagang kinain niya ang oras ko saka yung energy ko.

"Sabi ko, hindi ako magbibitiw ng pageant, ng license, hangga’t di manalo ang Pilipinas sa Miss World.

"Nanalo tayo kay Megan [Young], napaaga ang aking hamon sa sarili.

"After we won, sabi ko, baka puwede na. I can turn it over to somebody else.

"Kasi I cannot see myself being in a beauty pageant or a license holder of a beauty pageant forever.

"Hindi, e. I wanna do more things with my life."

Patuloy ni Cory, "I think I have done enough, I built the brand and we delivered the crown of Miss World, which everyone said was an impossibility.

"I think we made all the Filipino pageant fans so happy.

"I kept my promises, I worked so hard with my team and, of course, we were blessed, because Megan joined us.

"So, yun, everything fell into place in 2013."

Noong 2013 ay nasungkit ni Megan ang kauna-unahang Miss World title ng Pilipinas. 

Tuluyan na raw binitawan ni Cory ang kanyang ties sa Miss World Philippines.

“No more, para siyempre the license holder can take over without the shadow of Cory Quirino," paliwanag niya.

Ang bagong license holder ng Miss World Philippines ay ang talent manager na si Arnold Vegafria.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit may komunikasyon pa rin daw siya sa past winners ng naturang beauty pageant.

"Everyone thinks that I’m still there, but in spirit naman.

"I’m still in touch with our past queens in the last six years."

Hiningan din namin ng reaksiyon ang beauty and wellness expert sa suhestiyon ng maraming ibalik na lang sa Binibining Pilipinas ang Miss World franchise, gaya ng dati.

Saad ni Cory, “Sa totoo lang, in my six years experience, napakahirap sa isang tao lamang na walang malaking ahensiya o walang malaking company na mag-aalaga o mag-aaruga sa isang lisensiya. Isang pageant lang ‘yan.

"Napakatindi kasi ng financing na kailangan ng isang pageant, so you really need to be... nakasandal sa pader ka talaga.

"All over the world, most of the license of the different pageants, they are either owned by a network or a very big entertainment company.

"I think, in order to sustain the longevity, the strength, and the presence of an international license of a pageant, it should be held by formidable company.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN