Thai host draws flak from Pinoy fans for saying Alden Richards is single

IMAGE Instagram photo of Ning Saraika

Thai host Ning Saraika apologizes to Alden Richards's fans for saying that he is single. "I am so sorry I did not know that he has a girlfriend and I am sure he has no intention of lying, he just wanted to please to Thai fans," says Saraika.


Inuulan ngayon ng batikos mula sa AlDub fans ang Instagram post ng isang Thai host.

Noong Miyerkules, November 8, nag-post sa Instagram ang Thai host na si Ning Saraika ng video clip ng interview niya sa Filipino actor na si Alden Richards.

Dito ay maririnig si Alden habang inilalarawan ang kanyang role sa 2014 GMA primetime series na Carmela.

Nagpunta sa Thailand si Alden at ang iba pang Kapuso stars na sina Dennis Trillo, Tom Rodriguez, at Carla Abellana upang i-promote ang mga dati nilang teleserye na ipalalabas sa naturang bansa.

Kabilang dito ang Carmela (2014), kung saan naging leading man si Alden ni Marian Rivera, at My Husband's Lover (2013) nina Dennis, Tom, at Carla.

Sa caption ni Saraika sa kanyang video post, binanggit niyang sinabi rin umano ng Kapuso actor sa interview na single ito ngayon.

Dito na inulan ng mga negatibong komento mula sa Filipino fans ang post ni Saraika.

Karamihan sa mga nagkomento ay fans ng AlDub, ang phenomenal love team nina Alden at Maine Mendoza.

Tila hindi sila makapaniwala na sinabi ni Alden na single siya ngayon, gayong malapit na malapit ito kay Maine.

Sa ngayon, ang Instagram video ni Saraika, na orihinal na in-upload sa Instagram account ng Aldenatics Marikina, ay mayroon nang mahigit 350 comments.

Hindi inasahan ng Thai host na ganito ang magiging reaksiyon ng fans ni Alden at ng AlDub.

Sa comment section, sinabi ni Saraika, “OMG!!! This went too far!! Dear fans, it was just a joke on stage!

"I asked if he is single and he said yes just to please the Thai fans.

"He has no intention to lie at all. Pls don't get me wrong."


Sabi pa niya, “In order to make you feel better, I will delete the sentence that he is single.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Once again it was just a joke on stage to please Thai fans.

“I love your all because I'm a big fan of his too.”


Dahil wala sa video ang umano'y pahayag ni Alden na single siya, marami pa ring fans ang hindi kumbinsido sa paliwanag ng Thai host.

Pero nilinaw niya sa comment na ang parteng iyon ay nangyari bago ang video na nai-post sa Instagram.

Sagot niya sa isang fan, “I asked him in English, he answered in Englist but as I said it was just to pls Thai fans. And the conversation was before this question that I posted in which I don't have it because I reposted this one from his fans.”


Sa sumunod na post ni Saraika, humingi siya ng paumanhin sa anumang hindi pagkakaunawaang naidulot ng kanyang post.

Giit pa rin niya, sinabi lamang ni Alden na single siya ngayon para sa Thai fans.

"To #aldenrichards fans!! I was the host of #JKNMegashowcase last night and the first question was 'Are you single?' He replied 'Yes', just to please the Thai fans .. that's it!

“I am so sorry I did not know that he has a girlfriend and I am sure he has no intention of lying, he just wanted to please to Thai fans.

“Please don't bash him, Please don't hate me I was just doing my work and never thought it would go this far.

“I am sorry I might have disappointed you but as I said .. it was just to please Thai fans. Peace”

Samantala, hindi rin naiwasan ng ilang fans na ikonekta ang tweet ng handler ni Alden na si Leysam Sanciangco sa isyu.

Sa tweet sinabi ni Leysam: “Ang daming nagmamarunong, daming nagmamagaling.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon ay mayroon itong mahigit 400 replies at mahigit 1,000 retweets.

Narito ang ilang mga sumagot sa tweet niya:

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag na nais iparating ng kampo ni Alden tungkol sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN