Marian Rivera invited by Cambodian prime minister to ASEAN Summit

IMAGE Noel Orsal

Marian Rivera on the invitation of Cambodia Prime Minister Hun Sen to attend the ASEAN Summit: "Isang privilege na maimbitahan sa ganun, to represent the shows na talaga namang proud na proud akong nagawa ko throughout the years."


Dadalo si Marian Rivera, ang mister niyang si Dingdong Dantes, at anak nilang si Maria Letizia Dantes sa welcome dinner para sa prime minister ng Cambodia na si Hun Sen at state counsellor ng Myanmar na si Aung San Suu Kyi, na gaganapin sa Midori Hotel, Clark, Pampanga, bukas ng gabi, November 11.

Darating sa Pilipinas ang dalawang lider para 31st ASEAN Summit na magaganap sa susunod na linggo rito sa ating bansa.

Kilala sina Marian at Dingdong sa Cambodia dahil sa mga teleserye nilang naipalabas at kasalukuyan pa ring ipinapalabas sa naturang bansa.

Mismong ang prime minister daw ng Cambodia ang nag-request na dumalo si Marian sa ASEAN Summit.

Sabi ng Kapuso actress tungkol sa pagdalo nila sa welcome dinner, “Siyempre, excited din ako na makilala sila.

"Dahil ang sabi sa amin ay tinatangkilik nila ang mga shows ko sa GMA, lalo na sa bansang Cambodia. 

“Isang privilege na maimbitahan sa ganun, to represent the shows na talaga namang proud na proud akong nagawa ko throughout the years.”

Naipalabas na sa Cambodia ang mga pinagbidahang teleserye ni Marian, tulad ng MariMar at Dyesebel. Kasalukuyan namang palabas doon ang Carmela. 

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian sa launching at contract signing niya bilang kauna-unahang celebrity endorser ng SM Kultura, sa SM Makati, kahapon, November 9.

SUPER MA’AM CO-STARS. Naitanong din kay Marian ang tungkol sa pagtatanggol sa kanya ng mga kasamahang artista at staff ng Super Ma’am kaugnay ng negatibong write-up na naisulat sa kanya.

Ayon sa 33-year-old actress, “Nakakataba ng puso.

“Actually, may Viber group kami... sabi ko nga, maraming salamat sa pagmamahal nila.

“Kung meron man akong isang ipinagpapasalamat, yung nabuo ang pamilya ko sa Super Ma’am at ganun nila ako kamahal.”

Si Dingdong naman ay naglabas ng open letter sa kanyang Facebook account upang ipagtanggol si Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos daw itong mabasa ni Marian ay nag-usap silang mag-asawa.


Stories We Are Tracking

Marian defended by co-stars, director over negative writeup
Marian defended by co-stars, director over negative writeup
Newcomer Andrew Gan defends <em>Super Ma'am</em> co-star Marian Rivera
Newcomer Andrew Gan defends Super Ma'am co-star Marian Rivera
Dingdong castigates columnist for
Dingdong castigates columnist for "malicious" writeup about Marian


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN