James Reid dismisses blogger's claim that Ivan Dorschner said something bad about Nadine Lustre

IMAGE Noel Orsal

James Reid stands by friend Ivan Dorschner amid a blogger's claim that the Kapuso actor said bad things about Nadine Lustre, James's girlfriend.


Nagkomento si James Reid tungkol sa akusasyon ng isang blogger na pinagsalitaan daw ng masama ng kaibigan niyang si Ivan Dorschner ang girlfriend ng una na si Nadine Lustre.

Ito ay ayon sa blogger na nagngangalang Dee Alfonso, base sa Instagram videos nitong kumalat sa social media.

Ayon kay Alfonso, narinig niyang sinabi ni Ivan na “controlling b*itch of a girlfriend” si Nadine.


Stories We Are Tracking

Nadine Lustre, Ivan Dorschner react to blogger accusations
Nadine Lustre, Ivan Dorschner react to blogger accusations

Sa launching ng kanyang bagong endorsement na Fujifilm X-E3 camera sa Dulo MNL, Makati City, kahapon, November 9, inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si James tungkol dito.

Tugon ng 24-year-old Kapamilya star, “Oh, well, I think we should not listen and believe any random bloggers.”

Aware ba siya sa ipinakalat na tsismis galing diumano sa kaibigan niyang si Ivan?

“No. I’m just saying we shouldn’t believe random bloggers,” sagot ni James.

Nagkakausap pa rin ba sila ni Ivan kahit nasa GMA Network na ito?

“Yeah, he’s my friend. We’re pretty close, he’s one of my good friends.”

Samantala, okay naman daw ngayon ang girlfriend na si Nadine na kamakailan lamang ay namatayan ng kapatid.

“She’s doing better,” sabi ni James.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN