Enzo Pineda willing to work with ex-girlfriend Louise delos Reyes in ABS-CBN

IMAGE Noel Orsal

Enzo Pineda on having a non-showbiz girlfriend: "It's my own preference. Some people, iba ang trip nila. But for me, I find it more convenient."


Bukas si Enzo Pineda na makasama sa isang proyekto ang kanyang ex-girlfriend na si Louise delos Reyes ngayong pareho na silang nasa bakuran ng ABS-CBN.

Sina Enzo at Louise ay parehong galing sa GMA Network.

Naging malaking isyu ang breakup ng dalawa dahil nagkaroon dumano ng third party sa katauhan ni Aljur Abrenica, na ngayon ay isa na ring Kapamilya.

Ayon kay Enzo, bagamat pareho na silang nasa ABS-CBN, hindi pa sila nagkikita ni Louise.

“I haven’t seen her for the longest time.

“I heard na she’s here na, I’m very happy for her.”

Wala rin daw problema sa kanya kung sakaling magkatrabaho sila.

Sabi ng 27-year-old actor, “Working with her? Yeah, why not? I’m very open.

“Kung mabigyan lang ng opportunity, I don’t mind.”

Dagdag ni Enzo, “Past is past, at the same time, may pinagsamahan kami.

“Hindi naman ako yung ganung klase ng tao na porke’t, let’s say na ex mo, lalayuan mo na.

“May pinagsamahan kami nung tao and ‘til now, we’re still friends.”

Pero hindi na raw nila tini-text ang isa’t isa.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Enzo sa presscon ng Book 2 ng drama series na Pusong Ligaw, na ginanap noong Martes, November 7, sa 9501 restaurant sa ELJ Bldg. ng ABS-CBN.

NON-SHOWBIZ GIRLFRIEND. Hindi naman itinatago ni Enzo na mayroon siyang non-showbiz girlfriend ngayon, at masaya siya sa itinatakbo ng kanilang relasyon.

Ano sa palagay ni Enzo ang advantage ng pagkakaroon ng girlfriend na hindi taga-showbiz?

Saad niya, “Like now, we have an interview, yung questions, about my passion, acting, not on my personal life.

“And I think it’s nice to have somebody outside showbiz, because it’s different.

“You get to talk to somebody na iba yung work, iba yung genre, you get to learn something new from that person.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s my own preference. Some people, iba ang trip nila.

“But for me, I find it more convenient.”

Hindi ba isyu ang oras at selos dahil iba ang trabaho nila?

Tugon ni Enzo, “No naman, we have our own life, and I am just very happy na she accepts my job, my work.

“Naiintindihan niya things that I do, that’s why our relationship is working.”

HAPPY KAPAMILYA. Samantala, kuntento at masaya raw si Enzo isa itinatakbo ng career niya ngayon sa ABS-CBN.

Pahayag ng Pusong Ligaw actor, “I’m very happy!

"For me, I’m just doing what I love—acting.

“I’m just really blessed na nabigyan ako ng show.

“Honestly, kahit nung bago pa ako... bago pa naman ako, one year, hindi ko in-expect na magkakaroon ako ng ganito klaseng show.

“Para sa akin, kahit maliit lang na acting job, okay lang sa akin.

“But it just happened na nabigyan ako ng pagkakataon, tamang timing.

“I’m here and I’m very happy.”

Sa kabila ng pag-alis niya sa GMA-7, maganda naman daw ang naging pamamaalam ni Enzo sa mga kaibigan at mga boss niya sa Kapuso network.

“Of course, yes, definitely.

“Siyempre dun ako nag-start.

"May mga barkada na ako dun throughout the years, halos mga six years.

“I’m very thankful sa journey ko na yun and, until now, we still talk and we still go out.”

Dagdag pa ng StarStruck alumnus, “With bosses, hindi ko na sila nakikita as of the moment, but we’re all on good terms.

“This is work lang naman, work is work.

“Kung anuman ang personal life, nandun pa rin, I don’t burn bridges.

“Kasi, kahit na anong mangyari, I’m not here right now if weren’t for them.

“Yung tulong nila sa akin, I’m very grateful sa lahat ng tumulong sa akin all throughout my showbiz career.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN