Businesswoman Cristina Decena says she learns forgiveness from Venus Raj

IMAGE cristinadecena.com @onlyvenusraj on Instagram

Cristina Decena says she has found in Venus Raj not a just a good friend but an spiritual adviser as well: "Yung salitang pagpapatawad, si Venus ang nagturo sa akin."

 


Para sa businesswoman na si Cristina Decena, naging intrumento ang Business Flight co-host niyang si Venus Raj para patawarin niya ang mga taong nasa likod ng pang-a-ambush sa kanya noong Agosto 2013.

Ito ay may kaugnayan umano sa usaping lupa dahil may realty business si Cristina.

Lahad niya, “Okey na kasi lahat ng mga taong nag-threat sa akin, humingi na ng tawad sa akin.

“Kaya nga sabi ko, ito yung pinaka-luckiest and memorable year for me.

“Yung salitang pagpapatawad, si Venus din ang nagturo sa akin.

“So nung time na humihingi ng tawad sa akin yung mga tao, yung may mga kagagawan ng ambush ko…

“Halos nilampaso ako sa kahihiyan, binigyan ako ng kaso, lahat yun nag-back out na.

“Humingi ng tawad at pinatawad ko naman, hindi lang sa salita kung di sa puso.

“Never kong naisip yun na mangyayari sa buhay ko kasi wala naman tayong tinapakan na tao.

“Nung nagkasama kami ni Venus at pinakilala niya sa akin si Lord, ngayon parang nawala ang lahat ng takot sa akin.

“Akala ko nun kailangan ko lang silang patawarin dahil kailangan sa korte.

“Pero after that gumawa rin si Lord ng paraan na totoo ko silang patawarin.”

Masayang nagkuwento si Cristina sa presscon para sa third season ng travel show nila ni Venus nung nakaraang Miyerkules, November 8, sa Belleza di Cristina ng Century Mall.

THIRD SEASON. Masaya ring ibinida ni Cristina na naging tulay ang travel show nila sa GMA News para maging malapit na magkaibigan sila ni Venus.  

“Siyempre tuwang-tuwa ako nakarating kami sa third season, ’tapos kami ni Venus, mas lalo kaming naging close.

“Kasi si Venus sobrang okey na tao, mabait.

“Nag-enjoy ako 'tsaka yung mga anak ko, the rest of the crew, na makatrabaho siya.

“Sobra na kaming may bonding, di na kami nagkakaroon ng hiyaan sa isa’t-isa. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“On cam saka walang camera, sobra kaming kumportable di lang pala puro sa trabaho lang.”

“At the same time, alam namin na mayroon pang fourth, fifth [season].    

PERSONAL LIFE. Bukas na aklat na nauwi sa paghihiwalay ang pagsasama ni Cristina at ng host/comedian na si Ariel Villasanta.

Sa ngayon ay masaya na sa kanyang non-showbiz boyfriend si Cristina.

Kuwento niya, “Mayroon, non-showbiz. He’s a businessman, he was my first boyfriend, my first love 37 years ago...hinahatid pa niya ako nun, naka-jeep kami.

“Ayoko pa siyang ipakilala, siguro makikilala ninyo rin siya pag kinasal na kami, actually nakilala na rin siya ni Venus.”

Samantala, mapapanood na ang pilot episode ng third season ng Business Flight, kung saan makikita ang mga napuntahang lugar nina Cristina at Venus sa Japan at Thailand, at iba’t-ibang parte ng Pilipinas.

Sambit pa ni Cristina, “Mayroon pa kaming gustong puntahan ni Venus, sabi ko nga sa kanya, ‘Ligirin natin ang buong Pilipinas.’

“Napakaganda ng Pilipinas, pangalawa, sinabi nga niya, Russia, Africa, sa fourth season ito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN