Isabel Granada's friends slam uploaders of photo showing the late actress lying in state

IMAGE Mark Atienza

(L-R) Nadia Montenegro, Bianca Lapus, and Chuckie Dreyfus castigate netizens who took a photo of the body of Isabel Granada inside her casket and uploaded it in social media. 


Ikinagalit ng mga kaibigang artista ni Isabel Granada ang pag-a-upload ng ilang netizens ng larawan ng labi ng aktres sa social media.

Kasalukuyang nakaburol ang mga labi ni Isabel sa Santuario de San Jose Parish, East Greenhills, Mandaluyong City.

Nag-post sa kanilang social media accounts sina Chuckie Dreyfus, Bianca Lapus, at Nadia Montenegro ng kanilang saloobin sa kawalang respeto ng ilang netizens na kinunan ang namayapang aktres habang nasa kabaong at in-upload pa ito sa social media.

Binatikos din ng mga kaibigan ni Isabel ang netizens na nag-share ng naturang larawan.

Ayon kay Chuckie, mayroon namang paalala na huwag kunan ng mga labi ng aktres.

“RESPETO NAMAN PO. Bawal po gumamit ng camera or cellphone para kunan ng photo si Isa. May panawagan na nakapaskil sa burol. Mahiya naman kayo!” bahagi ng panawagan ng dating ka-love team ni Isabel.


Sinabi naman ni Bianca na irespeto ang hiling ng pamilya na huwag kukunan si Isabel.

“Sana wag naman po picturan yung mukha nya. Sana po irespect naman natin ang kahilingan ng kanyang Pamilya.

"Si mama guapa nga po hindi makalapit sa anak niya at ayaw niya makita sa ganong kalagayan pero kinakalat niyo pa.

"Respeto lng po pwede niyo naman makita ng personal eh pinagbigyan na nga kayo na makita sya eh."


Matapang naman ang status ni Nadia sa kanyang Instagram post.

Tinawag niyang “walang modo” at “bastos” ang mga nagpakalat ng larawan ng yumaong aktres.

Status pa niya, “Hindi pakikiramay ginawa mo! Gusto mo lang magpasikat! DO WHAT IS RIGHT EVEN WHEN NO ONE WATCHING!! Dahil Diyos nakakakita lahat nya! 

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN