Chuckie Dreyfus to Isabel Granada: "I wish you hadn't left."

IMAGE Instagram / Mark Atienza

Chuckie Dreyfus describes his special relationship with former screen partner Isabel Granada: "It's hard to explain our relationship. I've never had a relationship with a woman like a relationship I've had with Isabel. Maybe because over the years, maybe because we're kindred spirits. I don't know."

 


Kung meron mang pagsisisi ang dating child actor na si Chuckie Dreyfus pagdating sa kaibigan niyang si Isabel Granada, ito ay ang kanyang pagtanto na sana ay nabigyan pa niya ito ng mas maraming panahon at atensyon.

Simula pagkabata, magkasama na sa mga acting projects sina Isabel at Chuckie, na parehong nagsimulang maging artista sa murang edad.

Naging magka-love team rin ang dalawa at napanatili ang pagkakaibigan sa loob ng tatlong dekada nila sa showbiz.

Pumanaw si Isabel, 41, dahil sa aneurysm noong November 4.


Stories We Are Tracking

Isabel Granada dies at 41
Isabel Granada dies at 41
Celebrities visit first night of Isabel Granada's wake
Celebrities visit first night of Isabel Granada's wake

Kasalukuyang nakaburol ang mga labi ng aktres sa Santuario de San Jose Parish, East Greenhills, San Juan.

“Sana mas binigyan ko pa ng pansin yung mga gusto niyang makipagkita, although nagkikita naman kami palagi at nag-uusap kami palagi, pero parang I wish I could have done more.

"Yun yung nasa utak ko,” lahad 43-year-old former actor nang eksklusibong makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pangalawang araw ng burol ni Isabel.

Dugtong pa niya, “I always give her attention, but I could have done more.

"Because she’s the type of person who wants to be with company.

"When she asks to meet you, she means it talaga.

“In hindsight, sana mas pinagtuunan ko ng pansin, mas binigyan ko pa ng oras pa.

“Sana nung nagyaya siya, sana umoo ako kaagad.

“Ngayon, nagsisisi na lang ako sa ganung bagay.

“But I’m still happy I’ve spent a significant part of my life with her.”

MESSAGE FOR ISABEL. Ano naman ang mensaheng nais niyang ipaabot sa malapit niyang kaibigan?

“Hinding-hindi kita makakalimutan, Isabel, mahal na mahal kita, alam mo 'yon.

“Yung mga panahon na nag-uusap tayo, na tayong dalawa lang, when you pour your heart out to me, when you talk to me—about your dreams and your pain and everything that you go through. I will treasure all of that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“The laughter that she gives, the time that you laugh, even before I say the punch line… yung mga yon.

"Paano mo 'ko hahampasin, pano mo 'ko kukurutin, pano ka ngumiti sa akin.

“I miss you very, very much.

“I wish you hadn’t left, but at the same time, I’m happy that you are watching over me.

“So for that, I’m very thankful.

“Maraming-maraming salamat, Isabel, sa panahon oras at pagmamahal na binigay mo rin sa akin.”

LIFE WITHOUT ISABEL. Naiisip ba niya na hindi na niya makakasama ang kanyang malapit na kaibigan?

"I really don’t know. Sa pagkawala ni Isabel malaking parte ang nawala sa 'kin, e.

“It’s like routine. I get to talk to her, 'Hi! Hello!'

"Simpleng 'hi lang, whatever!' kahit nag-aasaran lang kami.

“She’s more than a friend.

“It’s hard to explain our relationship. I’ve never had a relationship with a woman like a relationship I’ve had with Isabel.

“Because si Isabel, even if magtitigan lang kami, alam namin ang gusto namin sa isa't isa, kahit sa malayo.

"It’s very uncanny, it’s very weird, pero gano'n talaga kami.

“Maybe because over the years, maybe because we’re kindred spirits. I don’t know.

“We’re very sweet. Akala nila mag-boyfriend-girlfriend kami.

"Minsan nami-misinterpret, pero we’re very sweet toward each other.

“But I’m happy I’ve met someone like her, I am who I am because of her.

"At the same time, I’m also a broken person because of her, because wala na siya.”

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN