Jericho Aguas keeps low profile at ex-wife Isabel Granada's wake: "Ayoko po ng may mao-offend."

IMAGE Joseph Rivera / Mark Atienza

Jericho Aguas, Isabel Granada's ex-husband (in white shirt), on keeping a low-profile during Isabel's wake: "Ako po kasi, I'm very open-minded. Ayoko po ng may mao-offend. Kaya minsan, nakaupo na lang ako sa gilid."


Magkakahalong emosyon daw ang nararamdaman ni Jericho Aguas bunga ng pagpanaw ng kanyang dating asawa na si Isabel Granada.

Si Jericho ang unang asawa ni Isabel at ama ng 14-anyos nilang anak na si Hubert Aguas.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang reporters ang konsehal ng Angeles City sa burol ni Isabel sa Santuario de San Jose, East Greenhills, San Juan City, kagabi, November 10.

Lahad niya, “First of all, doble-doble po, halu-halo ang mga emosyon.

“Number one, yung emotion na nararamdaman kay Isabel, parang naulit po yung unang sakit na naramdaman namin nung unang nawala sa amin si Isabel.

"Ngayon, ang mahirap naman na sitwasyon is dealing with this funeral or wake with, of course, Isabel’s partner.

“Marami pong nagiging ano... samu’t saring mga reaksiyon.”

Ang tinutukoy ni Jericho na partner ni Isabel ay si Arnel Cowley.

ISSUES. Ngayong nakaburol si Isabel, iba-iba raw ang mga reaksiyong natatanggap niya—may positibo at may negatibo.

Kuwento ni Jericho, “Noong gabi, yung palapit na po itong gabi na ‘to, actually, sinabi ko, nagdarasal ako.

“Kasi, yung ibang mga kaibigan ko, sinasabi, huminga lang kung sakaling magre-react. Nagkakaroon na ng konting reaksiyon.

"Of course, mahal namin si Isabel. Kasama ko ang aking anak. At gayundin sa kanila.

"For example, mga litrato na lamang...

“Kasi po, ang aking anak ay nagdala po ng mga pictures, dinisplay po niya.

“Pero para wala raw pong isyu, pinatanggal.”

Nilinaw naman ni Jericho na hindi si Arnel ang nagpatanggal ng mga larawan nilang pamilya, ibang tao raw.

Aniya, “Well, there are people that are here na gumigitna po sa amin.

“Actually, nakiusap po kami na merong mga bagay, hindi po natin nakikita.

“Ako po kasi, I’m very open-minded. Ayoko po ng may mao-offend.

“Kaya minsan, nakaupo na lang ako sa gilid.

“Tatawagin na lang ako ng aking mga kamag-anak, of course, si Hubert. 'Halika rito, humarap ka sa mga tao.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Ayoko po. Iniintindi ko po yung... si Arnel.'

“Mga ganun po, yung mga isyu."

CLEARING THINGS WITH ARNEL BEFOREHAND. Patuloy ni Jericho, "Pero before all these started, I approached Arnel. Para wala pong friction.

"Kinausap ko po siya, 'Meron bang problema? Meron bang problema na nandito ako?'

"'Wala naman, wala namang isyu.'"

Si Jericho pa rin ang itinuturing na legal asawa ni Isabel at mayroon silang anak.

Sabi niya, “Alam mo kasi, sabi ko, nandito ako para sa aking anak. Bilang dating asawa ni Isabel.

“Actually, hindi naman dating asawa... you know that I’m the legal husband.

"Pero hindi ko po kinukuha sa kanya yun."

Nabanggit din ni Jericho na nang malaman niya ang nangyari sa dating asawa, ginawa niya ang lahat ng kanyang magagawa para makapunta siya, si Hubert, at ang ina ni Isabel na si Isabel "Mommy Guapa" Villarama sa Qatar.

Gusto raw kasi nilang makita ang kalagayan ni Isabel sa hospital sa Doha, Qatar.

Sabi pa ni Jericho, “Siyempre, magkasama kayo ng fourteen years.

“Again, I’m just here, first, for the love of Isabel, and nandito ako to welcome everybody without... wala po sana akong natatapakang sapatos.”

CIVIL RELATIONSHIP WITH ARNEL? Tinanong ng PEP.ph si Jericho kung kumusta ba sila ni Arnel ngayon habang pinaglalamayan si Isabel.

Saad niya, “Alam niyo, noong nasa Qatar, very okay kami.

“Alam niyo, ako pa ang nagtatanggol sa kanya kay Mama.

“Sabi ko, 'Ma, kawawa rin si Arnel.'

“Kinuwento ko yung pinagdaanan nila. Nagpunta siya rito sa Pilipinas, kinalimutan niya ang buhay niya sa Australia.

"'Kawawa rin siya, Ma.'

“Unfortunately, noong maging ganito ang situation, nag-iba. Nag-iba po."

PAINFUL MOMENTS. Sinigurado naman daw ni Jericho sa anak na si Hubert na tuloy pa rin ang pagpunta nila sa wake hanggang sa cremation ni Isabel bukas, November 12.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba siya magpapaapekto kung may nakikita o naririnig siya na sinasbai tungkol sa kanya?

“Ay, oo naman. Oo naman,” mabilis niyang sagot.

“Alam niyo, masakit pala.

“Yung mga tao, dati mong kilala, yayakapin yung isa [Arnel].

“Nakikita mo yun. Masakit po yun.

“Yun po ang isang bahagi na masakit na pagkakataon sa amin.

“Sobrang masakit. Yun po ang halu-halong emosyon.

“Hindi lang isang emosyon. Doble, triple, masakit na masakit.”

Nang mawala na si Isabel, may mga naging realization ba siya?

Sagot ni Jericho, “Isabel is a great loss, a big loss talaga.

“Ako po, the public doesn’t know really kung ano ang pinagdaanan namin.

“Hindi kami nagsalita. Marami ang nagulat na hiwalay kami.

“Meron na siyang ibang asawa at meron na rin akong ibang nakakasama.”

May realization?

Tugon niya, “Meron po.

“Tinext ko na nga po ang mga spiritual mentors ko dahil tinatanong ko, bakit ngayon parang merong pagsisisi.

“Kasi noon, nakita ko, e. Talagang ginawa ko talaga ang lahat.

“Ngayon, parang sayang. May panghihinayang.

"Of course, hindi ko naman po itatago na merong ganun.

“Sa mga effort na ginawa ko at lahat ng ginawa ko, ako ang may kasalanan.”

Kumusta ang anak nila ngayong wala na ang mommy nito? Nakaka-cope naman ba si Hubert?

“Opo, very, very much,” sabi ni Jericho.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN