Sofia Andres quashes breakup rumor with Diego Loyzaga

IMAGE Noel Orsal

Sofia Andres clarifies rumor alleging that she and Diego Loyzaga have broken up: "Break? It's not true. We're fine. We're really close friends. Actually, I'm used to it, e. Actually, they always ask me about kung hiwalay na ba kayo. That's normal, but it's not true."


Naging usap-usapan kamakailan na nauwi na raw sa breakup ang relasyong Sofia Andres at Diego Loyzaga.

Nabalita rin na nakita raw si Diego sa isang mall na may kasamang non-showbiz girl na manonood ng sine, na lalo tuloy nagpatibay sa balita na hiwalay na nga talaga sila ni Sofia.

Sa Pusong Ligaw Book 2 presscon nung nakaraang Martes, November 7 sa 9501 restaurant sa ELJ bldg. ng ABS-CBN, agad na tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sofia kung ano ba ang tunay na estado ng relasyon nila sa ngayon ni Diego.

Paglinaw niya, “Break? It’s not true.

“We’re fine. We’re really close friends.

“Actually, I’m used to it, e.

“Actually, they always ask me about kung hiwalay na ba kayo. That’s normal, but it’s not true.

“May basehan siguro kasi there’s some girls and boys na talagang nai-issue sa aming dalawa but we’re just ignoring it.

“Kasi alam naman namin pareho ang sarili namin na we’re okay, na there’s nothing wrong going on.

“We’re really good as a team. Yun naman ang importante.”

Ayon kay Sofia, di na sila nakakalabas ni Diego dahil sa halos araw-araw nilang trabaho.

Saad niya, “We don't have time to go out. We tape every day in Pusong Ligaw.

“Naghahabol din kami for airing. We'd rather rest.”

MOVIE DATE WITH ANOTHER GIRL? Hiningan din namin ng reaksyon si Sofia sa balitang nakita daw ang kapareha na may kasamang non-showbiz girl na manonood ng sine sa isang mall.

Lahad niya, “She [lady reporter] was telling me about the movie date. I read that also.

“I think it’s not true, I don’t know if Tita [lady reporter] was there. If it is, ask Diego.

“Ewan ko sa kanya, baka friend lang naman niya or cousin niya, I don’t know.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

VALUING LOYALTY. Tinanong namin ang aktres kung gaano ba kahalaga ang loyalty at honesty sa kanyang relasyon, at sapat ba na rason na malaman niyang hindi loyal sa kanya ang isang karelasyon para makipaghiwalay siya dito?

Saad niya, “I am loyal, I’m honest about that.

“Siyempre you have to be true to whoever you’re interacting with—sa family, sa friends.

“Kasi I know how it feels to be cheated on. I don’t wanna do that to anyone, especially to my family, to my friends.”

“I don’t think so, if you love someone you won’t give up. You will give a chance.

“That’s how I am, e. I give chances.

“Gusto ko lagi akong may reason why, parang give the benefit of the doubt.

“Ganun kasi ako, pero pag alam ko na na hindi na worth it to fight for it, I’m gonna stop.

“Pag alam kong di na worth, how will I know it’s not worth it? Pag niloko ka na talaga nang harap-harapan, that’s it.”

Sa pahayag na ito ni Sofia, naranasan na raw kaya niya ang maloko?

Aniya, “Before, it happens talaga in real life also. Wala, move on.”

PUSONG LIGAW. Masayang-masaya naman si Sofia sa Book 2 ng Pusong Ligaw kunsaan ibang Vida (her role) na ang mapapanood dito.

Sabi niya, “Of course, we’re really happy, kasi to be honest, yung ratings naman namin is like subtle, not that ano...

“Pero I’m really happy that our audinece is looking for more story.

“Bihira lang ang nabibigyan ng book 2 and we’re really more inspired to perform and to act.

“I think Vida is more matured.

“When she saw Potpot [Diego's character], she’s already accepted na he changed, he’s successful na, tinanggap niya. Parang he was trying to create a new life with Rafa [Enzo Pineda].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We are also waiting for the whole story, book 2.

“We’re waiting for what’s really gonna happened but we know kung ano yung flow of the exact story.”

IGNORING BASHERS. Nakipagsagutan si Sofia dati sa isang basher na tinawag siyang “papansin,” at di raw siya bagay bilang kapareha ni Diego.

Sa ngayon ay natutuhan nang di pansinin ng aktres ang pamba-bash sa kanya ng ilang netizens.

Kibit-balikat niya, “Di na. Deadma na, kasi siyempre, lahat naman may masasabi at masasabi.

“I’m focusing on something like really complimenting me and saying thank you na you appreciate me for who I am.

“Before, I answered back, but I just realized na I’m wasting my time to answer back na parang its degrading also.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN