Marian Rivera on ASEAN Summit invitation: It's not political

IMAGE Dingdong Dantes Facebook

Marian Rivera and husband Dingdong Dantes attended the welcome dinner for Cambodia Prime Minister Hun Sen (seated, left) at Midori Hotel in Clark, Pampanga. The welcome dinner was hosted by Pampanga Second District Representative Gloria Macapagal-Arroyo (seated, right).


Sinuong ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ang masikip na traffic kagabi, November 11, para daluhan ang welcome dinner para kina Cambodia Prime Minister Hun Sen at Myanmar State Counsellor Aung San Suu Kyi, kasama ang kanilang mga delegado na inimbitahan sa 31st ASEAN Summit.

Ginanap ang welcome dinner sa Midori Hotel sa Clark, Pampanga, kung saan ang representative ng 2nd district ng Pampanga na si Gloria Macapagal-Arroyo ang nag-host.

Na-feature sa naturang dinner ang Filipino dishes na inihanda ng Kapampangan ding chef na si Marcos Dingca.

Na-showcase din sa naturang pagtitipon ang Pinoy talents na Sindaw Philippine Performing Arts Guild, UP Dance Company; ang a capella group na Pinopella; at mga mang-aawit na sina Aicelle Santos, Bea Lorenzo, at Champagne Morales.

Nabanggit ni Marian sa press launch ng bagong endorsement niyang Kultura Filipino noong Huwebes, November 9, na medyo nahihiya pa raw siyang dumalo.

Pero ipinarating ng prime minister ng Cambodia na gustung-gusto niyang makilala ang Filipino actress.

Saad ni Marian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nagulat nga ako na pinadalhan kami ng invitation.

"Kasi hindi naman ako sanay na pinapadalhan ng mga ganyan, at parang nakakahiya naman na pumunta ako sa ganun.

“Pero sabi daw kasi sa amin na gusto raw akong makita ng president ng Camdodia dahil pinapalabas ang soap ko dun.”

Kasalukuyang napapanood sa naturang bansa ang dati niyang drama series na Carmela, kung saan katambal niya si Alden Richards.

Ayon kay Marian, malaking karangalan sa kanilang mag-asawa na natutuwa si PM Hun Sen nang makita sila.

Nilinaw naman ng aktres na walang halong pulitika ang pagdalo nila sa naturang pagtitipon.

Saad niya, “Masaya ako at honored na maimbitahan sa mahalagang welcome dinner kay Prime Minister Hun Sen, lalo na’t nalaman kong tinatangkilik ang iba sa mga GMA shows ko sa bansang Cambodia.

“Si Dong ang kinontak para imbitahin kami at mabuti naman at wala kaming trabaho today, kaya kami naka-attend.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Suot ni Marian noong gabing iyon ang white piñasilk terno dress, floral clutch, at Baroque pearl necklace ng Kultura Filipino.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN