Former actor Reuben Manahan fondly remembers ex-girlfriend Isabel Granada

IMAGE Facebook

Reuben Manahan on ex-girlfriend Isabel Granada: "Si Reuben, kung hindi dahil kay Isa, ay isang simple o ordinaryong tao lang sa Bulacan. Dahil sa showbiz na yun, nung pumayag siyang maka-love team ako, nagbukas sa akin ang napakalaking mundo, marami ang aking napuntahan."


Isa sa mga nalulungkot sa pagyao ni Isabel Granada ay ang dating ka-love team at kasamahan nito sa That's Entertainment na si Reuben Manahan.

Bukod sa pagiging magka-love team, limang taon ding naging magkasintahan si Reuben ang yumaong actress-singer.

Nagkasama rin sila sa mga pelikulang Yes, Yes Yo Kabayong Kutsero (1989), Regal Shocker The Movie (1989), at Michael at Madonna 2 (1993).

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Reuben, sa pamamagitan ng telepono, kahapon, November 11, nagpahayag ito ng saloobin tungkol sa pagyao ng dati niyang kapareha, on- and off-cam.

Pahayag niya, “May nagtatanong nga sa akin kung bakit hindi raw ako nagpu-post ng messages tungkol sa pagkamatay ni Isa sa social media.

“Pero, sabi ko nga sa sarili ko, ayaw ko naman na... bilang respeto na rin sa kanyang dating asawa na si Geryk [Jericho Aguas] at husband niya ngayong si Arnel [Cowley].

“Kaya umiwas talaga ako.

“Pero ipinarating ko naman sa kanyang pamilya, lalung-lalo na kay Mommy Guapa, ang aking pakikiramay.”

“In fact, kagabi [November 10], ay nakilamay ako from around 9 o' clock hanggang midnight na.”

Hindi naman daw sigurado si Reuben kung makakarating siya sa cremation ng mga labi ni Isabel ngayong Linggo, November 12, dahil nakatakda siyang lumipad sa Japan para sa kanyang trabaho.

Patuloy niya, “Ako naman kasi, nanliliit naman ako kung paano ako nagtapos sa showbiz at siya ay nasa showbiz pa rin.

“Sino naman si Reuben na... kaya nga, sabi ko, rather na maging ano, pumunta ako at nagkita kami ni Tita [Mommy Guapa] kagabi.

“At sabi ko nga sa kanya kung paano naging malaking tulong si Isa sa pamilya namin.

“At kung may pagkakataon na masuklian ko yun hanggang ngayon.

“Kagabi, inalam ko kung paano ang arrangement.

“Pero nandun naman sina Chuckie [Dreyfus], asawa niya, at iba pa, kaysa naman baka sabihin pa ng iba na nagpapabibo ako kung mag-offer ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero, in my own simple way, sabi ko nga kay Tita, ‘Narito ako, sana kahit man lang last chance, bigyan niyo ako ng pagkakataon na masuklian naman yung nagawa ni Isa.”

THANKS TO ISABEL. Aminado ang dating That's Entertainment member na naiyak siya nang malaman ang masamang balita tungkol kay Isabel.

Lalo na't naging malaking inspirasyon daw sa buhay niya ang yumaong ka-love team kung ano at saan siya ngayon bilang isang pribadong tao.

Saad ni Reuben, “Oo naman, siyempre.

“Sabi ko nga, si Reuben, kung hindi dahil kay Isa, ay isang simple o ordinaryong tao lang sa Bulacan.

“Dahil sa showbiz na yun, nung pumayag siyang maka-love team ako, nagbukas sa akin ang napakalaking mundo, marami ang aking napuntahan.

“Kung anuman yung kakayahan ko, kung hindi ko nakita ang mas malaking mundo, siguro ay na-contain din ako sa mas maliit na mundo.

“Isabel Granada na kasi siya noon, tapos ako ay simpleng Reuben lang.

“So, malaki talaga ang nagawa niya sa pagbitbit ng pangalan ko noon.

“Isang napalaking pangalan na ng isang Isabel noon, kumpara sa isang baguhang si Reuben na simpleng tao na taga-Bulacan at taga-Tiwi [Albay].”

Patuloy niya, “At saka, kung nasa Amerika man ang family ko at ate ko, yun ay dahil kay Isabel na nagkaroon noon ng mga barrio fiesta shows ang isang Reuben na natulungan niya ang pamilya ko.

“Yung ate ko na nasa Macau, natulungan ko sa pag-aaral, at mga kapatid ko at pamilya ko.

"I would attribute that to Isa."

PRIVATE CITIZEN. Aminado si Reuben na naging malaking hamon sa kanya noong maghiwalay sila ni Isabel pagkalipas ng limang taon, kaya mas lalo raw siyang nagsumikap para sa kanyang sarili at pamilya.

Sa ngayon, si Reuben ay isa nang registered nurse.

Nagtapos siyang summa cum laude sa kursong Bachelor of Science in Nursing sa Dr. Carlos S. Lanting College noong 2007.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Siya rin ngayon ang vice president for marketing ng Century Properties Management, Inc.

Lahad ng 44-year-old executive officer, “Naging kami kasi noon, 16 years old lang ako, at 21 na ako nung maghiwalay kami.

“Nung maghiwalay kami, siya rin ang naging challenge and motivation ko, e.

“Kung hindi man kami nagkatuluyan nun ni Isa, parang ang sabi ko sa sarili ko, 'Parang may kulang sa isang Reuben.’

“Kaya pinursue ko talaga ang makatapos at maging isang vice president nga ng isang kumpanya.

“Sabi ko nga, kung sa talino man o hitsura, siguro ang naging kulang ko ay yung sense of security na maitaguyod ko ang isang pamilya.

“Ang naging drive ko ay yung kung ano ang nangyari sa akin.”

Graduate din si Reuben ng Bachelor of Science ni Marketing sa Far Eastern University noong 1996.

REMEMBERING ISABEL. Sa puntong ito ay inalala ni Reuben kung sino si Isabel noong nabubuhay pa ito.

Ayon sa dating aktor, “She cares, she loves people.

“Kung aalisin mo sa kanya ang pagiging isang artista, e, perfect siyang anak at sa pakikipagkapwa-tao.

“She's very athletic at talagang workaholic.

“Ang last na encounter ko sa kanya is, actually, nagpapa-sponsor siya sa amin ng show.

“Nagpunta sila ni Arnel sa Century, kasi nag-i-sponsor ang Century ng mga shows niya, e.

“Yung show na plinano sa Japan, ako yung in-charge.

“Nagulat nga siya dahil ang akala niya ay nurse na nga ako sa Amerika.

“Sabi ko sa kanya, 'Hindi, e. Yung marketing course ko ang nagamit ko dito.'

“Hindi natuloy yung show na yun, pero may naging shows siya, like sa London at Australia.”

Ikinatutuwa ni Reuben na naging magkaibigan sila ng yumaong aktres.

Pero dinalaw siya ng matinding lungkot dahil masyado pa raw bata si Isabel at may pamilya pang naiwan.

Dalangin ni Reuben ang maayos na paglalakbay ng dating kasintahan patungo sa langit, kung saan naniniwala siyang dun ito mapupunta bilang isang mabuting tao si Isabel noong nabubuhay pa ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Isabel Granada in coma after collapsing in Doha, Qatar
Isabel Granada in coma after collapsing in Doha, Qatar
Arnel Cowley on wife Isabel Granada:
Arnel Cowley on wife Isabel Granada: "She just collapsed without any warning."
Isabel Granada has been hiding her illness, says ex-husband
Isabel Granada has been hiding her illness, says ex-husband
Isabel Granada dies at 41
Isabel Granada dies at 41


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN