Body of actress-singer Isabel Granada cremated

IMAGE Arniel Serato

Na-cremate na ang mga labi ng singer-actress na si Isabel Granada ngayong Linggo ng hapon, November 12.


Na-cremate na ang mga labi ni Isabel Granada sa Arlington Memorial Chapels, Quezon City, ngayong Linggo ng hapon, November 12.

Sa pamamagitan ng Facebook, nag-post ang pinsan ni Isabel na si Joseph Rivera ng mga detalye ng pre-cremation at cremation ceremonies para sa namayapang aktres.

Bago ang cremation, ginawaran muna ng military honors ng Philippine Air Force (PAF) si Isabel sa labas ng Arlington.

Si Isabel ay nanilbihang second class airwoman sa air force sa loob ng dalawang taon.

Matapos nito, iniabot ng PAF ang Philippine flag sa ina ni Isabel na si Isabel ‘Mommy Guapa’ Villarama.

Sinaksihan din ng mga malalapit kay Isabel, kabilang na ang partner nitong si Arnel Cowley, ang pagpasok ng kanyang mga labi sa crematory incinerator.

Matapos nito, nagkaroon ng “letting go” ceremony sa labas, kung saan nagpalipad ng mga paru-paro ang mga kaibigan at mga kamag-anak ng actress-singer.

Samantala, madamdamin naman ang mensahe ng pamamaalam ni Arnel sa kanyang partner.
Sabi niya sa kanyang post sa Facebook ngayong araw rin, “Saying goodbye will be the hardest thing to do.
"But I know that you’re in a better place My Baby Isabel Granada.
"I will miss your touch, your smile your laughter but most of all… I will miss your love.”
Ang urn na paglalagakan ng mga abo ni Isabel ay ibabalik sa Santuario de San Jose sa Mandaluyong City.

Pumanaw si Isabel sa edad na 41, sa Doha, Qatar, noong November 4, matapos itong ma-confine ng halos dalawang linggo dahil sa brain aneurysm.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN