Frencheska Farr enjoying married life in U.S.; puts baby plans on hold

IMAGE Instagram

Former Kapuso actress-singer Frencheska Farr has been based in the U.S. since marrying her non-showbiz boyfriend Gino Jose last August. She set aside her music career for now, and has been more focused on acting for her husband's small films.


Kinasal noong nakaraang August 2017 ang former Kapuso singer-actress na si Frencheska Farr sa kanyang non-showbiz boyfriend of five years na si Gino Jose.

Sa Las Vegas, Nevada naganap ang kanilang civil wedding.

Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makausap at makumusta si Frencheska na ngayon ay naka-base na sa U.S. kasama ang kanyang mister na nagdidirek ng mga short films.

Sa pamamagitan ng private messaging ng Twitter ay nakakuwentuhan namin si Frencheska noong nakaraang November 10.

Una naming tinanong ay kung adjusted na ba si Frencheska sa kanyang pagiging Mrs. Jose?

Lahad niya, “Ayos na ayos naman ang buhay misis dito at medyo hindi pa ako sanay sa term na ‘misis' or ‘asawa.’

“Pero masaya talaga kasi may katuwang ako sa life at nag-e-enjoy lang kami.

“Wala munang baby. Gusto muna namin enjoy-in ang life habang wala pang kids.”

MISSING FRIENDS AND FAMILY. Nagdesisyon si Frencheska noon na subukan ang buhay sa ibang bansa.

Pero madalas daw ay naho-homesick siya.

Pag-amin niya, “Nami-miss ko rin ang Pilipinas, lalo na kapag naiisip ko ang family at friends ko na matagal ko nang nakasama.

“Pero ine-embrace ko rin itong bagong environment ko dito.

“Marami na akong mga new friends at iba pa rin ang mga opportunities na dumarating sa iyo.

“Habang bata pa tayo, grab that opportunity, di ba?”

Matagal na raw walang kontrata si Frencheska with GMA Artist Center (GMAAC).

Una siyang pumirma sa GMAAC noong 2009 pagkatapos niyang manalo, together with Geoff Taylor, sa reality music competition na Are You The Next Big Star?

Lumabas si Frencheska sa maraming shows ng GMA-7 kabilang na ang SOP, Party Pilipinas, BandaOKE: Rock n’ Roll To Millions, Sana Ngayong Pasko, Captain Barbell: Ang Pagbabalik, Kokak, One True Love, Bukod Kang Pinagpala, Sunday All Stars, Binoy Henyo, Innamorata, Second Chances, Pari ‘Koy, Because of You, Just Duet, Maynila, Magpakailanman at Alamat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagbida rin si Frencheska sa musical film na Emir na dinirek ni Chito Roño.

THANKFUL KAPUSO. Kahit na raw hindi na under contract si Frencheska sa Kapuso network, malaki pa rin ang tinatanaw niyang utang na loob dito.

“To be honest, pag nagre-reflect ako about GMA, talagang thankful ako sa GMA dahil kung wala sila, hindi ako makakarating sa kung nasaan man ako ngayon.

“Malaking part sila ng pag-shape ng aking pagkatao at talagang binago nila ang buhay ko.

“And for that, super grateful ako.

“Siguro time to move on na rin talaga at maghanap ng bagong opportunities para rin sa growth ko as an artist,” diin pa niya.

MUSIC CAREER ON HOLD. Sa U.S. ay patuloy pa rin ang pag-arte ni Frencheska sa paglabas nito sa mga short films ng kanyang mister.

Pahinga naman daw muna siya sa pagiging singer.

Kuwento niya, “May mga small acting projects pa din ako, at nag-a-assist pa rin ako sa paggawa ng short films ni Gino.

“Nakakatuwa nga dito at nai-invite kami to screen our films sa film festivals.

“Recording naman ay wala akong ginagawa sa ngayon.

“Yung last na ginawa ko ay independent EP na nasa Spotify at nirelease ko yun last year.

“Pero araw-araw pa rin ako kumakanta. Sa bahay, sa park, sa kotse…

“Nag-aaral din ako dito ng music, at hopefully makapag-share ako ng new songs soon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN