Maria Isabel Lopez gets flak for driving along ASEAN lane; actress apologizes

IMAGE Instagram / Facebook

Last Saturday, November 11, veteran actress Maria Isabel Lopez posted on her Facebook account how she brazenly removed traffic barriers and entered the ASEAN lane to avoid traffic along EDSA. Netizens quickly castigated her, not just for her outrageous act of defiance, but also for setting a bad example for motorists. She posted her apology on her Facebook account today, November 12.


Humingi ng paumanhin si Maria Isabel Lopez matapos mag-viral ang kanyang social media post, kunsaan ipinagmalaki niya ang pagtanggal ng traffic barriers at pagpasok sa ASEAN lane sa kahabaan ng EDSA nitong nakaraang Sabado, November 11.

Post ng beteranang aktres sa kanyang Facebook nitong Linggo, November 12, “Sorry to those who gut hurt and affected.”


Umani ng magkahalong reaksiyon ang ginawa ni Isabel na pagpasok sa ASEAN lane na para lamang sa mga delegado ng ginaganap na ASEAN Summit sa bansa.

“MMDA thinks I'm an official ASEAN delegate. If you can't beat em, join them,” bahagi ng post ng beteranang aktres nitong Sabado.


May ilang bumilib sa ginawa ni Isabel, pero mas marami ang kumastigo sa kanya sa social media at sinabing hindi magandang halimbawa ang kanyang ginawa para sa mga motorista.


ISABEL'S EXPLANATION. Sa panayam niya sa DZBB nitong Linggo, idinepensa ni Isabel na hindi lang siya ang lumabag sa batas trapiko.

Inilahad ni Isabel na dahil sa matinding trapik noong Sabado, pinakiusapan niya ang isang traffic enforcer na payagan siyang makadaan sa ASEAN lane.

Tumanggi umano ang traffic enforcer dahil walang sticker ang sasakyan ng aktres bilang pass para magamit ang special lane.

Dugtong pa ni Isabel, pinakiusapan niya ang traffic enforcer na idaan na lamang sa face value ang kanyang pass.

Habang naghihintay ay nakita umano niya ang mga pampublikong sasakyan, gaya ng bus at taxi, na dumadaan sa ASEAN lane.

Kinumpronta umano niya ang enforcer tungkol dito, subalit tinalikuran umano siya ng enforcer at pinuntahan ang iba pang sasakyang lumabag sa batas trapiko.

Dahilan ni Isabel, kaya siya pumasok sa ASEAN lane ay dahil nakita niya ang ibang sasakyan na dumaan dito.

Pero sa kanyang mga post, inamin ni Isabel na siya ang nagtanggal ng mga divider cones at sumunod lang sa kanya ang ibang sasakyan.

Bahagi ng post ng dating beauty queen, “I removed the divider cones! Then all the motorists behind me followed!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Iminungkahi na ng Metropolitan Manila Development Authority at Land Transportation Franchising and Regulatory Board na suspindihin ang lisensiya ni Isabel dahil sa kanyang ginawa.

Handa naman daw si Isabel na tanggapin ang mga parusang ipapataw sa kanya, pero hiniling din niyang gayundin ang gawin sa iba pang lumabag sa batas trapiko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN