Venus Raj refuses to take credit for sparking Philippines' winning streak in global pageant scene

IMAGE Venus Raj Instagram

Miss Universe 2010 fourth runner-up Venus Raj humbly refuses to take credit for sparking the Philippines' winning streak in the global pageant scene: "Well, siguro there was a time na matutuwa ka, somehow nakilala ulit ang Pilipinas in the pageant world because of what happened in 2010. Pero I cannot take credit for that. Hindi ako ang dahilan ng pagkapanalo nila nang sunud-sunod."


Marami ang naniniwalang si Venus Raj ang nagbukas ng daan para sa mga sunud-sunod na panalo ng Pilipinas sa international beauty pageants.

Noong 2010 ay naging 4th runner-up si Venus sa Miss Universe.

Ito ay pagkatapos ng ilang taong walang Philippine candidate na nakakapuwesto sa nasabing international beauty pageant.

Pagkatapos noon ay taun-taon nang nakakapasok sa Top 6 ang mga kandidata ng Pilipinas, hindi lamang sa Miss Universe kundi maging sa ibang malalaking international beauty pageants.

Noon ngang 2015 ay ang ating pambato na si Pia Wurtzbach ang nakapag-uwi ng Miss Universe crown.

Pero tumanggi si Venus na akuin ang pagsisimula ng "winning streak" ng Pinay beauty queens sa international pageants.

Pahayag niya, “Una, hindi ho ako ang nagsimula niyan.

“Marami naman na tayong mga beauty queens na nanalo before me.

“We had Miriam Quiambao, we had Gloria Diaz.”

Si Miriam Quiambao ay itinanghal bilang Miss Universe 1999 1st runner-up, samantalang si Gloria Diaz naman ang kauna-unahang Pinay na kinoronahan bilang Miss Universe noong 1969.

Sa kabila na inaning tagumpay ng dalawa, hindi maikakaila na ilang taon din ang lumipas na wala halos nauuwing panalo ang Pilipinas sa international beauty contests.

Nabago ang trend na ito simula kay Venus.

Paglinaw niya, “Well, siguro there was a time na matutuwa ka, somehow nakilala ulit ang Pilipinas in the pageant world because of what happened in 2010.

“Pero I cannot take credit for that.

“Hindi ako ang dahilan ng pagkapanalo nila nang sunud-sunod.

“Again, I’m gonna repeat it...

“They’re beautiful, they’re capable of winning, they’re intelligent.

"And ngayong sunud-sunod ang panalo ng Pilipinas, nakakatuwa.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Venus sa press launch ng season 3 ng GMA News TV show na Business Flight sa Century Mall, noong November 8

TV SHOW'S 3RD SEASON. Masaya naman si Venus na ang programa nila ng businesswoman na si Cristina Decena ay umabot na sa season three.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang pilot episode nila for season 3 ay ginawa sa Balesin. Pero dito rin daw makikita ang episodes na kinunan naman nila sa Japan.

“Oo nga, e. Amazing,” masayang sabi niya.

“Nakakatuwa na from the start, you know, kinuha ako ni Madam to be part of this and, until now, we’re still here together.”

Sabi nga ni Venus, para siyang hindi nagtatrabaho sa Business Flight.

“Para itong hindi trabaho. I think, kahit naman kayo masasabi niyo yun.

“If what you’re doing is really your passion, you don’t look at it as work or a job, you just enjoy it.”

Sa pagsasama nila ni Cristina sa Business Flight, para na raw niya itong nanay talaga.

“She’s like a mom to me. Caring... 'Bilhan kita ng damit, anak, huwag mo nang suutin ‘to,' mga ganyan.

“She’s a mother to me and that’s what I really like about her.”

Kahit daw yung working relationship nila bilang co-host, mas iba na.

“Mas maganda na ngayon kasi siyempre dati, mas sanay na kami sa isa’t isa.

“Nakakapag-joke na kami sa isa’t isa.

“Kasi siyempre, parang... o, stunned pa 'ko, siyempre, si Madam ‘yan.

“Ngayon nga, mas nakilala ko na siya nang mas malalim.

“Mas marami kaming pinagsamahan, mas marami kaming time together na.

“Yung usapang buhay na, hindi lang trabaho.

“Dati kapag trabaho lang, dun lang kami mag-uusap.”

UNFORGETTABLE MOMENT. Hindi raw makalilimutan ni Venus ang episode nila kunsaan nag-cruise sila sa ilang bansa sa Asia.

Yun pa lang daw kasi ang kauna-unahang pagkakataong sumakay siya sa barko nang matagal.

Natatawa niyang pahayag, “Nakakahilo pala!

“Nakakatuwa lang that there’s a whole new city in the middle of the ocean.

“Ang daming tao, ang daming crew, ang daming nangyayari.

“Para kang nasa hotel. Natulog ka, the following day, ibang lugar na yung hotel mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s a new experience.”

Ano ang naibibigay ng programa sa kanya na hindi naibibigay ng ibang proyekto niya?

Ani Venus, “Siguro yung genuine relationship na nabi-build with my co-host, with the people that I worked with.

“Kasi before, or even may trabaho tayo, pero once lang tayong magkatrabaho.

“May guesting ako, pero ngayon lang tayo nagkita. Hi and hello tayo.

“Pero this one, you really build genuine relationships with people. Especially with my co-host, si Madam.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN