Angel Locsin slams netizen reviving past issue with Luis Manzano, Jessy Mendiola

IMAGE Instagram @therealangellocsin / @senorita_jessy

Angel Locsin on netizen reviving past issue with Jessy Mendiola, Luis Manzano: "Ang sad lang na kelangan mo pang gamitin si anne para sa agenda mo."


Inalmahan ni Angel Locsin ang pagpapasaring ng isang netizen na pilit inuungkat ang dating kontrobersiyang nag-ugnay sa kanila nina Luis Manzano at Jessy Mendiola.

Si Angel ay ex-girlfriend ni Luis Manzano, na nobyo ngayon ni Jessy.

Base ito sa comments thread ng larawan ni Angel at ng rumored boyfriend niyang si Neil Arce, sa Instagram post ng La Luna Sangre star ngayong araw, November 13.

Dito ay nagpatutsada ang isang netizen, na may handle name na @annecurtis_4_fhm200, na hindi pa raw naka-move on si Angel sa hiwalayan nila ni Luis.

“PWEDE BANG PAG SABIHAN MO ANG FANTARDS MO TO STOP THE HATE AGAINST JESSY!! DIBA NAKA 'MOVE O' KA NA?

“YUNG GINAGAWA SAYO NG KN TARDS MADALAS GAWIN NG BULLY MONG FANS AGAINST LIZA AND JESSY!!

“WALK THE TALK!”


ANGEL TELLS OFF NETIZEN. Ngunit nanindigan si Angel na halatang may ibang "agenda" ang netizen na ginamit pang handle name ang pangalan ng newlywed na si Anne Curtis.

Balik-sagot ni Angel sa netizen, “Ang sad lang na kelangan mo pang gamitin si anne para sa agenda mo.

“Move on na tayo girl :)”


Komento ulit ng netizen, “I hope you’re really moved on from @luckymanzano because obviously your bully fans are not.”



Hindi na ito sinagot ni Angel.

Naungkat ang isyung hiwalayang Luis at Angel dahil pareho silang imbitado sa kasal ng common friend nilang si Anne Curtis, na ginanap kahapon, November 12, sa New Zealand.

Kasama ni Luis ang nobya niyang si Jessy, habang si Angel ay kasama rin ang pinaniniwalaang nobyo niyang si Neil.

THE ANGEL-LUIS-JESSY CONTROVERSY. January 2016 nang maghiwalay sina Luis at Angel pagkatapos ng dalawang taong relasyon.

July 2016 nang magkapalitan ng salita sina Angel at Jessy hinggil sa espekulasyong nag-overlap diumano ang pakikipagrelasyon ni Luis sa dalawang Kapamilya actress.


Stories We Are Tracking

Angel Locsin not surprised by Luis-Jessy romance
Angel Locsin not surprised by Luis-Jessy romance
Jessy reacts to Angel's statement about her and Luis
Jessy reacts to Angel's statement about her and Luis

Sa huli, pinabulaanan ni Luis na naging sila ni Jessy habang sila pa noon ni Angel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Base sa pahayag ng TV host-actor noong June 27, 2017, naghiwalay sila ni Angel noong January 10, 2016.

Nakasaad din dito na naging magkasintahan naman sina Luis at Jessy noong June 25, 2016.


Stories We Are Tracking

Luis denies overlapping relationships with Angel, Jessy
Luis denies overlapping relationships with Angel, Jessy

Samantala, sina Angel at Neil ay nagsimulang mag-date noong Marso ngayong taon.

September 7, 2017 nang inamin ng La Luna Sangre actress na nagsasabihan na sila ng "I love you" ni Neil, pero hindi pa sila opisyal na magkarelasyon.


Stories We Are Tracking

Angel Locsin admits to being in love with Neil Arce
Angel Locsin admits to being in love with Neil Arce
Angel, Luis, and Jessy attend Anne-Erwan wedding
Angel, Luis, and Jessy attend Anne-Erwan wedding


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN