Myrtle Sarrosa gets over heartbreak: "Yun, malas sa love life, trabaho na lang."

IMAGE Instagram

Myrtle Sarrosa has her way of healing a broken heart: "I have to be more grateful kung ano ang mayroon. Tumulong yun, getting heartbroken, para pumayat ako lalo. Imbes na magmukmok sa kuwarto, pumunta na lang ako sa gym at mag-work out."


Sa isang interview kay Myrtle Sarrosa, nabanggit nitong isang non-showbiz guy na nasa Amerika ang malapit sa kanyang puso.

Pero putol na raw ang ugnayan nila.

Sabi niya, “We decided to call it quits.

"It’s timing, hindi talaga right yung time.
   
“Nung una talaga, parang medyo na-down yung morale ko pero I had to look at everything positive.

“I have to be more grateful kung ano ang mayroon.

“Tumulong yun, getting heartbroken, para pumayat ako lalo.

“So imbes na magmukmok sa kuwarto, pumunta na lang ako sa gym at mag-work out.

“Yun, malas sa love life, trabaho na lang.”

CALENDAR GIRL Noong November 6 ay pormal na ipinakilala si Myrtle bilang bagong calendar girl ng Ginebra San Miguel para sa taong 2018.

Pero naging isyu ang balitang second choice lang siya kay Alessandra de Rossi.

Reaksiyon dito ni Myrtle, “I don’t know, hindi ko alam ‘yan.

“Iba naman yung theme namin, yung theme namin is very millennial.

“Yung target audience namin is mga millennials na gustong mag-try out ng mga flavors ng GSM.

“I’m not sure kung siya ba talaga, ako naman, grateful ako na pinili nila ako.”
  
Sa recent interview kasi kay Alessandra, nabanggit nitong may isang brand ng alak na kinukuha siyang endorser at tinanggihan niya.

Lumabas na two million pesos ang halaga ng endorsement na tinanggihan ni Alessandra dahil taliwas daw ito sa prinsipyo ng aktes.

Hindi man pinangalanan ang nasabing brand ng alak, lumabas na Ginebra San Miguel nga raw ito.  

Pahayag ni Myrtle tungkol dito, in good taste ang mga pose na ginawa niya dahil nag-cosplay siya rito.

“Gumawa kami ng new characters na puwede kong i-cosplay at puwedeng mag-represent ng bawat brand.”
  
“For this calendar, napakasuwerte ko sa team na kasama ko.

“Binigyan nila ako ng chance na magbigay ng opinions ko and help them out conceptualize yung five layouts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Binigyan nila ako ng opportunity to give my opinion.

“Nag-put on kami ng iba’t ibang costumes, gusto naming i-bring out mas millennial feel…

“You can be sexy and confident and unique and you can put out new characters.”
 
HOPING FOR NEW PROJECT. Ibig sabihin, bukas na si Myrtle sa sexy roles?
   
Tugon niya, “Ako naman, pag may mga dumarating sa akin na mga projects, I take it on as a role.

“Hindi ko siya tinitingan kung sexy ba siya o hindi.

“Tinitingnan ko kung ano ba ang character o ano ang role ang pinu-portray ko.

"Yun naman ang trabaho natin, as long as na may moral yung story, I will always take on the role.

“Flesh? Basta huwag lang magpakita ng topless.

“Suggestive? We shall see.

"Kapag may dumating na project… pag-iisipan ko and then I will give an answer.”
 
Huling napanood si Myrtle sa La Luna Sangre bilang isang bampira.

Sa ngayon ay may isang teleserye na hinahanda ang ABS-CBN kung saan puwedeng makasama si Myrtle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN