Mommy Guapa agonizes over leaving PH for good now that daughter Isabel Granada is gone

Now that she has no more reason to visit the Philippines, with her daughter Isabel Granada gone, Mommy Guapa agonizes over leaving the country for good: "Kaya ako nandito sa Pilipinas dahil sa anak ko, mahal ko ang Pilipinas sobra. Talagang mami-miss ko itong bansa. Diyos ko po talagang iiyak din ako, bahala na…"


Magulo pa ang utak ni Isabel Villarama, o Mommy Guapa, kung ano ang susunod nitong hakbang ngayong naihatid na sa huling hantungan ang kanyang anak na si Isabel Granada.

Pero malaki raw ang posibilidad na bumalik na siya ng Spain, kung saan naroon ang karamihan ng mga kamag-anak niya,

“Hindi ko alam,” umiiling na sambit ng Espanyolang ina ng actress-singer.

“Hindi ko alam, naguguluhan pa ako.

“Kaya ako nandito sa Pilipinas dahil sa anak ko, mahal ko ang Pilipinas, sobra...

“Tama na, dumating ang oras, may edad na ako, hindi na ako dapat dito.

“Kasi si Hubert, kasama ng daddy niya.

"Siguro pag si Hubert medyo indipiendente na, madalas kami magkikita."

Si Hubert, 14, ang nag-iisang anak ni Isabel sa ex-husband niyang si Jericho Aguas. 

Paputul-putol pang pang sabi ni Mommy Guapa, “Talagang mami-miss ko itong bansa.

“Diyos ko po, talagang iiyak din ako, bahala na…

“Hindi pa nakikita... namatay ang mother ko, sobrang lungkot, hindi niya nakilala.”

Muling inalala ni Mommy Guapa si Isabel noong nabubuhay pa ito.

Malungkot niyang pahayag, “Naalala ko ang anak ko, walang kapantay sa kabaitan.

“Iba talaga, ‘yan ang pinakamahal ko sa buhay... siyempre, mother ko.

"Ibang pagmamahal sa mga anak, iba rin sa mother."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mommy Guapa sa ikalawang gabi ng lamay kay Isabel, noong November 10, sa Santuario de San Jose Parish, Greenhills, San Juan City. 

HUBERT IN SHOWBIZ. Nakausap din ng PEP.ph si Hubert, at nabanggit nitong gusto niyang sundan ang yapak ng ina bilang artista.

Sabi ng teener, “I’ll continue na lang to make her proud. 

"If I have an opportunity po, I will continue her legacy in showbiz, if maybe po."

Pero hindi raw tatalikuran ni Hubert ang kanyang lola, ang ina ni Isabel.

Ayon pa sa kanya, “Mama Guapa naman, I will continue to visit her, but it’s best if she goes to Spain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi majority of her family talaga is there… with her sisters, cousins, brothers, all her family are there.

“Even in Qatar, they had so much communication po.” 

Sa Doha, Qatar binawian ng buhay si Isabel matapos siyang ma-comatose sanhi ng aneurysm.

Kung sakaling mabigyan ng pagkakataong maging artista, paano ang pag-aaral ni Hubert?

Tugon niya, “I’ll try not to create any friction, of course uunahin ko ang studies ko.”

Naniniwala rin daw si Hubert na hindi siya tuluyang iiwan ng kanyang ina.

“As the same person I knew, very active, very beautiful, very supportive, very caring.

“I know, up there, she’s watching over me.”

Pero hindi pa raw nagpaparamdam sa kanya ang ina.

Kuwento ni Hubert, “Actually po, when I heard about the news, parang hindi ako maniwala. 

“Kasi, usually po, nagpaparamdam sila. Sa akin, hindi, e. 

“Pero sa iba kong relatives, before daw what happened, before daw noong nalaman ni Papa…

“Yung mga maids namin sa bahay… doon po sa bahay po namin sa Angeles, meron silang naririnig, may nagtitimpla ng kape, may lumalakad sa taas.

“Wala naman pong tao doon, because we were out of town.

“Then, my aunt po had a dream about Mama. She described seeing her na very beautiful po.

“Na parang handang-handa na po pumunta sa Itaas…

"Ako po, wala po akong na-feel."

HUBERT TO LIVE IN SPAIN? Nakausap din ng PEP.ph noong gabing iyon si Jericho.

Sinagot nito ang hiling ni Mommy Guapa na maisama si Hubert sa Spain.

Pahayag ng dating asawa ni Isabel, “Kung magpapasyal, sasama ako.

“Matagal na naming pinag-uusapan ‘yan, nire-request niya na magpasyal daw kami sa Spain, oo naman.”

Kampante si Jerick na kahit nagkahiwalay sila ni Isabel, maayos silang dalawa noong nabubuhay pa ang dating asawa.

"Isa siya sa mga pinakamahalagang parte ng buhay ko…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung aming pagmamahalan, nagbunga ng nag-iisang anak namin. 

“Bagamat after fourteen years, hindi man nag-work ang aming marriage, meron siyang partner, meron ako partner… 

“Naniniwala ako na nanatili yung bond namin na kami lang dalawa yung nagkakaintindihan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN