Reina Hispanoamericana 2017 Winwyn Marquez laughs off comparisons to Miss Earth 2017 Karen Ibasco

IMAGE Instagram

Reina Hispanoamericana 2017 Winwyn Marquez on her return to the Philippines: "Pagdating ko sa airport, akala ko di ako papansinin. Nagulat na lang ako, may mga security na dumating! Bibitbitin sana nila yung mga gamit ko. Sabi ko, okay na, keri ko! Okay na ako na pinansin ako!"


Na-overwhelm si Reina Hispanoamericana 2017 Winwyn Marquez sa mainit na pagsalubong sa kanya ng mga Pilipino pag-uwi niya sa bansa ngayong Lunes, November 13.

Mula New York, USA, lumapag ang eroplanong sinasakyan niya sa Pilipinas bandang 2 PM kanina.

Masayang kuwento ni Winwyn, “Pagdating ko sa airport, akala ko di ako papansinin.

“Nagulat na lang ako, may mga security na dumating! Bibitbitin sana nila yung mga gamit ko.

“Sabi ko, okay na, keri ko! Okay na ako na pinansin ako!” 

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment writers si Winwyn sa Annabel’s restaurant, sa Tomas Morato Avenue, Quezon City, ngayong hapon.

BACK-TO-BACK WINS. Ilang oras lang pagkatapos koronahan si Karen Ibasco bilang bagong Miss Earth sa MoA Arena noong Sabado ng gabi, November 4, kinilala naman si Winwyn, a.k.a. Señorita Teresita Ssen, bilang unang Asyana na Reina Hispanoamericana sa Bolivia.

Obserbasyon ng ilan, parang hindi masyadong pinansin ng fans ang pagwawagi ni Karen.

Natigilan sandali si Winwyn bago matamang nagsalita.

“Wala po akong comment. Love ko si Karen! Ang galing-galing niya!”

Tumawa na lang ang dalaga sa mga pagkukumpara sa kanila ni Karen.


Stories We Are Tracking

Karen Ibasco is Miss Earth 2017
Karen Ibasco is Miss Earth 2017
Pia, Megan congratulate new beauty queens Winwyn, Karen
Pia, Megan congratulate new beauty queens Winwyn, Karen
Miss Colombia acknowledges Karen Ibasco as
Miss Colombia acknowledges Karen Ibasco as "true queen"

Ano naman ang masasabi niya kay Madam Stella Marquez Araneta sakaling magkita sila?

Si Madam Stella ang may-ari ng franchise ng Binibining Pilipinas, kung saan unang sumali si Winwyn noong 2015.

Bagamat nakapasok siya sa Top 15, nabigo ang aktres na makapag-uwi ng korona.

Nakangiting sabi ni Winwyn, “Hindi ko alam kung natatandaan pa niya ako. Pero magha-hi ako.

“Dahil sa Binibining Pilipinas, marami akong natutunan.

“Nalaman ko kung anu-ano ang mga pagkukulang ko, kung anu-ano ang dapat kong gawin.”

IS MISS UNIVERSE NEXT? Ano ang nasa isip ni Winwyn nang tatawagin na ang kokoronahang Reina Hispanoamericana?

Aniya, “Thank you na lang ako nang thank you sa utak ko.

“Iyong pumasok ako sa Top 10, okay na sa akin iyon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pagkapanalo niyang ito ay puwede pa siyang sumali sa Miss Universe.

“Iyon nga ang sinasabi nila, jump point ito. Pero hindi na ako sasali!

“I’m happy with the crown!” bulalas ni Winwyn.

Mag-aaral ba siyang magsalita ng Español?

“Opo! Gusto ko,” tugon agad ni Winwyn.

“Si Kuya Yeoj, may kausap na tutor na tutulong sa akin.

“Sana magawa ko kahit masyado akong busy.”

STILL A KAPUSO? Nag-expire na ang kontrata ni Winwyn sa GMA Network. Pipirma ba siya uli sa Kapuso network?

Ayon sa 25-year-old beauty queen, “That I don’t know.

“Ang magdedesisyon para sa akin, ang Miss World Philippines.”

Gusto pa ba niyang gumawa ng teleserye?

“Opo! Kahit ano!” mabilis niyang sagot.

“Gusto ko pa ng character role. Kasi, malalaro mo yung role.

"Puwede kang mabait, pwede kang masama.

“I don’t mind na maging kontrabida. Mas challenging iyon para sa akin!”

Okay rin daw kay Winwyn na mag-host.

Ang una niyang gustong interbyuhin ay si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Ano ang first question niya kay Pia?

Ayon kay Winwyn, “Actually, hindi first question, e.

“Ang first na sasabihin ko sa kanya, ‘Thank you. Thank you for inspiring me not to give up.’”

Si Pia ang nanalong Miss Universe Philippines noong taong sumali si Winwyn sa Binibining Pilipinas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN