Agot Isidro, Ogie Diaz, Ethel Booba react to pro-Duterte blogger's confrontation with BBC correspondent

Pro-Duterte blogger Sass Sasot (right) confronted a BBC correspondent (left) over the international news organization's past interview with Pinoy Ako Blog's Jover Laurio.


Usap-usapan ngayon sa social media ang ginawang pagkumpronta ng pro-Duterte blogger na si Sass Sasot sa BBC Southeast Asian correspondent na si Jonathan Head.

Ang pagkumpronta ni Sasot sa BBC correspondent ay naganap kaninang hapon‚ November 13, sa International Media Center sa Pasay City‚ kung saan ang local at international reporters ay nagko-cover ng ASEAN Summit.

Habang nagaganap ang kumprontasyon, katabi ni Sasot si Presidential Communications Operations Office assistant secretary Mocha Uson, na tahimik lamang na nanonood at namataang nag-abot ng tissue sa kapwa niya pro-Duterte blogger.

Kinuwestiyon ni Sasot ang diumano'y pagbibigay-pansin ng international media outfit sa aniya'y “minor blogger” na si Jover Laurio.

Si Laurio ang namamahala ng Pinoy Ako Blog‚ na kilalang kritiko ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte

Diin pa ni Sasot‚ "The immediate issue here that should be answered, which powerful group gave Jover Laurio of Pinoy Ako Blog access to BBC."

Sa pamamagitan naman ng Twitter post, ipinakita ni Jover na walang anumang “powerful group” ang nagbigay sa kanya ng access sa BBC.

Isang simpleng private message lang daw ang naging komunikasyon sa pagitan niya at ng BBC.

"This is how BBC contacted me. First tweet muna, then DM. No big groups behind the interview."

CELEBS REACT. Ilang celebrities naman ang nag-react sa ginawang pagkumpronta ni Sasot sa BBC correspondent.

Tila isang patama kay Sasot ang Twitter post ng actress-singer na si Agot Isidro ngayong hapon.

Mensahe ni Agot, “Sweetie, last year BBC tried to get in touch with me for an interview, too. If they want to talk to you, they will find you. Do the math.”

Muli namang idinaan sa biro ni Ethel Booba ang kanyang reaksiyon sa nangyari.

Sabi niya, “Go Fund Me para mainterview ng BBC. Charot!”

Ang Go Fund Me ay isang crowdfunding website.

Samantala, nagkomento naman ang komedyante at talent manager na si Ogie Diaz sa naging asal ng pro-Duterte blogger sa harap ng international media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Di alam ni Sassot, di nila natutulungan ang Pangulo sa maling paraan nila ng pagtatanggol kay PRD. #WagKangSiga”

May pasaring din siya sa bloggers na nagpapalaganap ng “fake news.”

Sabi ni Ogie, “Dami naiinggit kay Pinoy Ako Blog Eh di mag-research din kayo at mag-resort sa Fake News para matalbugan nyo siya”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN