Jona Viray still grieving over loss of her father

IMAGE Nerisa Almo

Jona Viray: "Wala pong makakatumbas na lungkot o pain kasi hindi na makakapanood si Daddy ng mga upcoming concerts ko."


Sa kabila ng patuloy na pagdadalamhati, “the show must go on” para kay Jona Viray.

Kaya hindi raw niya naisip na iurong o huwag nang ituloy ang concert niyang Prima Jona.

Sabi ng Kapamilya singer, “I'm sure bibigyan naman po ako ng focus at saka lakas ng loob ni Lord kaya tuloy pa rin.”

Ilang linggo pa lamang ang nakalilipas nang pumanaw ang 51-year-old na ama ni Jona, si Fernando Viray, dahil sa stroke secondary to rhino mucormycosis.


Stories We Are Tracking

Singer Jona's father passes away
Singer Jona's father passes away

Patuloy niya, “Siyempre po, walang makakatumbas na sadness o pain.

“Wala pong makakatumbas na lungkot o pain, kasi hindi na makakapanood si Daddy ng mga upcoming concerts ko.

“Pero ganun talaga ang buhay, kailangan mong magpatuloy, kailangan mong mag-move forward.

“Iisipin ko na wala man siya physically, pero yung support niya, yung presence niya ay buung-buo pa rin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ABS-CBN News si Jona bago magsimula ang press conference para sa Prima Jona concert niya kahapon, November 13.

STILL GRIEVING. Aminado si Jona na hanggang ngayon ay lubos pa rin ang pagdadalamhati niya sa pagpanaw ng ama.

“Sa totoo lang, hindi ko rin alam...

“Kung sa sarili ko lang ako kukuha ng lakas ng loob, hindi ko talaga kaya.

“Kay Lord lang po talaga ako kumukuha ng strength and lahat po ng kakailanganin ko para magampanan ko po yung mga work na dapat ko pong tapusin.”

Bukod dito, lagi na lamang daw niyang iisipin ang madalas na sinasabi sa kanya ng yumoang ama.

“Palagi lang po niyang sinasabi na, 'Lagi kang hihingi ng guidance kay Lord, lagi kang magpi-pray kapag may problema ka o feeling mo may doubt ka. Huwag kang mag-aatubiling tumawag sa Kanya.'”

“Sabi niya, galingan ko raw palagi, laging proud daw siya sa akin.”

What will Jona miss about her dad?

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

PRAYER FOR CONCERT. Isa sa mga ipinagdarasal ngayon ng 27-year-old singer ay magkaroon ng lakas ng loob na gawin ang espesyal na segment sa concert niya sa The Theatre sa Solaire Resort and Casino ngayong Sabado, November 18.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa mismong press conference kahapon, nabanggit ni Jona ang tungkol sa ilang kantang aawitin niya, na may mga mensaheng angkop sa nararamdaman niya ngayon.

“Parang napaka-ironic nga po talaga ng pagkakataon kasi mayroon po akong isang lineup sa concert...

“Itong songs na ito ay dedicated sa loved ones natin na, kumbaga, naglu-long tayo sa presence nila.

“After po ng nangyari sa father ko po, sabi ko, 'Bakit naman ganun, parang naging ano pa...'

“Very timely po yung mensahe ng mga kanta.

“Sabi ko nga po, 'Kakayanin ko kaya?'

“Iniisip ko po sa sarili ko kung kakayanin kong kantahin ang mga kantang ito, kasi baka mamaya mag-breakdown lang ako.

“Pero wala, kailangan ko po talagang harapin yun.

“I think, yun po ang magiging challenge sa akin, kung paano ko po made-deliver yung performance nang maayos.

"Kahit sobrang tagos na tagos po talaga yung mga kantang kakantahin ko ngayon."

APPRECIATE LIFE. Samantala, dahil sa nangyari, mas binibigyang halaga raw ngayon ni Jona ang oras para sa kanyang pamilya.

Saad niya, “Hindi po natin alam kung kailan mawawala ang isang tao o kung kailan mawawala ang isang bagay.

“Minsan po, di ba, sinasabi nila na parang next time na lang o bukas na lang?

“Dapat po pala talaga yun ang i-practice natin, na hindi sa lahat ng bagay laging may next time.

“Mas i-treasure po natin yung ngayon. Kumbaga, hangga't maaari, lagi po nating iisipin na ito na yung last chance or last day.”

Bukod dito, naging isang paalala raw ang nangyari sa kanyang ama na alagaan nang mabuti ang kalusugan.

Sabi ni Jona, “Sobrang naa-appreciate ko rin po yung buhay.

“Yung health po talaga, dapat inaalagaan natin yung health natin.

“Kasi, para saan pa na nagtatrabaho tayo, nagpapakapagod tayo, nagpapayaman, ginagawa nating lahat para sa wealth natin kung yung health naman natin ang magsa-suffer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Importante po talaga na bigyan natin ng halaga yung health natin.

“In general, sa buhay, mas lumalim ang appreciation ko, yung understanding, yung sacrifices.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN