Hashtag Franco Hernandez's girlfriend: "I did everything para mailigtas ka."

IMAGE Twitter (@thisisjanicanam)

Hashtag Franco Hernandez's girlfriend, Janica Nam Floresco, posts a throwback video when she told him that they are now in a relationship. (Left photo) A screen grab from the video that Janica posted on Twitter; (right photo) the couple during their happy times.


Hindi pa rin matanggap ng kasintahan ng Hashtags member na si Franco Hernandez ang pagkamatay nito.

Pumanaw si Franco matapos malunod sa isang resort sa Davao Occidental, noong Sabado, November 11. Siya ay 26 years old.

Sa Twitter post ni Janica Nam noong Linggo, November 12, ibinahagi nitong sinubukan daw niyang iligtas si Franco nang mangyari ang insidente.

Mensahe niya, “Totoo pala pag mahal mo talaga yung tao, mas iisipin mo pa rin buhay niya kesa sa buhay mo. Ililigtas mo pa din kahit mamamatay ka na.

"I did everything para mailigtas ka mahal, kahit buhay mo na lang sana mahal ko, pero hindi pa din sapat lahat ng lakas ko."

Kasama si Janica sa motorized banca, at ilan pang mga kaibigan.

Sa sumunod niyang mensahe, nakiusap si Janica sa taong nag-post sa mga labi ng binata habang nasa kabaong.

Aniya, “Kung sino man ung nagpost ng casket ni Franco sana naman wag tayo puro pasikat respeto naman sana ayun lang hinihingi namin, RESPETO.”


Noong Linggo, November 12, nag-post din si Janica ng video ni Franco, na nakunan ilang oras bago nangyari ang malagim na insidente na ikinasawi ng binata.


Stories We Are Tracking

Hashtags member Franco dies in drowning incident
Hashtags member Franco dies in drowning incident
Franco's girlfriend posts
Franco's girlfriend posts "last video" of Hashtags member

WHEN SHE SAID YES. Nitong Lunes naman, November 13, nagbalik-tanaw si Janica sa araw na ibinigay niya ang kanyang matamis na "oo" kay Franco.

Sa video na ipinost ni Janica sa Twitter, maririnig si Franco na ipinapahayag kung gaano siya kasaya na sinagot na siya ng dalaga at kung gaano niya kamahal ang girlfriend.

Sa caption, isang madamdaming mensahe ang ipinarating ni Janica para sa yumaong kasintahan.

Pahayag niya, “Hi Mahal ko! Naaalala mo ba yung video na to nung day na sinagot kita?

"Grabe ramdam na ramdam ko kung gano ka kasaya, kung gaano tayo kasaya mahal.

“Sana mahal masaya ka dyan sa taas. Wag mo kakalimutan na lagi kang nandito sa puso ko okay?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I love you more than you'll ever know.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN