Heart Evangelista posts info about being locked up and threatened by person she won't name

IMAGE Instagram @iamhearte

Heart Evangelista alludes to a person she won't name as the perpetrator of continued bashing against her: "This account is a classic example of the many accounts created to basically hurt me and my family. Its been happening for almost 6 years now after an incident where I was locked in a room and told that 'this' would happen to me if I told anyone anything."


Naglabas ng hinaing si Heart Evangelista laban sa isang hindi pinangalanang personalidad na diumano’y nakaengkuwentro at nagbanta sa kanya, anim na taon na ang nakararaan.

Ayon sa 32-year-old Kapuso actress, ang taong ito raw ang dahilan kung bakit mayroon siyang bashers na panay ang paninira sa kanya sa social media.

Kaugnay ito ng pagsagot ni Heart sa isang basher na paulit-ulit siyang tinawag na “baog.”

Makikita ito sa comments thread ng Instagram post ni Heart ngayong Martes, November 14.

Sabi ng netizen, na may handle name na @kaynegh: “@iamhearte baog baog baog baog baog baog baog baog baog.”

Hindi ito pinalampas ni Heart.

Buwelta ng My Korean Jagiya star: “This account is a classic example of the many accounts created to basically hurt me and my family.

“Its been happening for almost 6 years now after an incident where I was locked in a room and told that ‘this’ would happen to me if I told anyone anything.”

Hindi idinetalye ni Heart kung sino at bakit siya pinagbantaan ng hindi pinangalanang personalidad.

Hindi rin malinaw kung bakit pinili niyang manahimik tungkol sa insidenteng pagkulong sa kanya nito sa kuwarto noon.

Pero patuloy na saad ng aktres, “I have remained quiet because I know the truth and believe God will deal with the rest... because the battle isn’t mine to fight but His.”

Sa huli, nag-iwan ng mensahe si Heart sa kanyang solid supporters na iwasang makipag-away at gumamit ng masasamang salita sa social media.

Aniya, “so I ask one more time to pls ignore, pls don’t fight back, pls don’t be like them.

"Because at the end of the day as my 'fans' you should carry my heart ...

"it is hard but if I can do it and take it in for almost 6 years... you can too.

"God has been good to me so let it be. thank you."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Kahapon, November 13, hindi rin pinalampas ni Heart ang paninira sa kanya ng isa pang basher sa hiwalay na Instagram post ng aktres.

Sinabihan si Heart ng basher na may handle name na @manyaksiheart ng: "khit kailan di ka na mgkakaanak."

Kung anu-ano ring alegasyon ang ipinukol ng basher laban sa 32-year-old Kapuso actress.



Ngunit mariin itong inalmahan ni Heart.

Gaya ng kanyang pahayag sa basher na si @kaynegh, nag-ugat umano ang paninira sa kanya sa hindi magandang engkuwentro niya sa isang hindi pinangalanang personalidad. 



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN