Marlo Mortel opens up about being replaced as Janella Salvador's loveteam partner

IMAGE Marlo Mortel Instagram

Marlo Mortel on being replaced as Janella Salvador's onscreen partner: "Of course, na-hurt talaga ako, kasi I did my best. Pinatunayan ko naman na may kaya rin ako as a leading man. Na-hurt ako sa part na yun, pero mas naging driven ako. Hindi ako papayag na maisantabi ako dahil alam kong may talent ako."


Kung may pinanghihinayag man si Marlo Mortel sa pagkabuwag ng love team nila ni Janella Salvador, ang MarNella, ito ay ang nabuong momentum ng kanilang tambalan.

Saad ng 24-year-old actor-singer, “Hindi naman yung talagang panghihinayang.

“Yung talagang pinanghinayangan ko ay yung momentum namin.

“At sa relationship namin na from Be Careful With My Heart, diretso na kami sa Oh, My G!, nanghihinayang ako na hindi ko na siya nakikita.”

Pero aminado si Marlo na nasaktan siya nang pinalitan siya bilang ka-love team ni Janella.

Nang lumipat si Elmo Magalona sa ABS-CBN, mula sa GMA Network, ay kaagad itong ipinareha kay Janella. Dito nabuo ang tambalan nilang ElNella.

Pahayag ni Marlo, “Of course, na-hurt talaga ako, kasi I did my best.

“Pinatunayan ko naman na may kaya rin ako as a leading man.

“Na-hurt ako sa part na yun, pero mas naging driven ako.

“Hindi ako papayag na maisantabi ako dahil alam kong may talent ako.

“Kailangan kong gawin rin ito para sa family ko.”

Pero dahil ganun na nga ang nangyari, matagal na raw siyang nakapag-move on at masaya na rin siya sa kanyang career ngayon.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marlo sa mediacon ng pelikulang Fallback, na ginanap sa ELJ Building, sa ABS CBN compound, noong nakaraang linggo.

IS MARLO HURT? Hindi ba siya nasasaktan, lalo na ngayong mukhang maging off-cam ay tila nagiging malapit na sina Janella at Elmo sa isa't isa?

Tugon ni Marlo, “Kung ano talaga ang makakapagpa-happy sa heart niya, kung fulfilled siya dun, I'm super happy for them.

“Dahil ang importante sa akin ay yung happiness ni Janella.”

Sa tingin ba niya ay bagay bilang couple sina Janella at Elmo, kung sakali mang magkatuluyan ang mga ito?

“Bagay sila? Oo naman.

“Kapag nakikita mo na happy sila sa isa't isa, so bagay yun for me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko alam kung... kasi ang tagal na ring hindi kami nagkakasama ni Janella, e.

“Huling kita namin nung mag-guest siya sa concert ko, pero hindi namin napag-usapan.

“Actually, hindi ko alam, hindi talaga namin pinag-usapan.”

Sa tingin ba niya, naging fallback ni Janella si Elmo noong panahong silang dalawa pa ang magkapareha?

Giit ni Marlo, “I think, hindi.

“Kasi hindi niya alam nun na may darating.

“E, di ba, bigla na lang lumipat si Elmo? So, management decision talaga yun.

“On her side, hindi naman niya fallback.”

STILL FRIENDS. Hindi naman daw nawala ang pagiging magkaibigan nina Marlo at Janella kahit matagal nang nabuwag ang kanilang love team.

Masaya naman daw si Marlo sa magandang nangyayari sa tandem nina Janella at Elmo.

Pahayag ng Kapamilya actor, “I'm happy for them. And siyempre, for Janella.

“Kami ni Janella, supe close, and lahat naman ng success niya ay napag-uusapan namin.

“Yun, napag-uusapan namin yung career niya, on what to do.

“Happy naman ako.

“Right now,” patuloy ni Marlo, “bihira na kami mag-text sa isa't isa, unlike before.

“Viber minsan, pero hindi na.

“Pero kapag nagkita naman kami, walang nabago.

“Yung relationship naman na na-built namin, pareho pa din."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN